PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy cut above Anna Delvey, Simon Leviev, Billy McFarland

Filipino personality, 15-anyos lang nang magsimulang mang-scam.
Published Feb 28, 2022
anna delvey, simon lebiev, billy mcfarland
Popular ngayon sa Netflix ang drama series at docu series tungkol sa scam artists na sina (mula kaliwa) Anna Delvey, Simon Leviev, at Billy McFarland. Pero walang binatbat ang mga ito kumpara sa isang Filipino personality na nagsimula sa edad na 15.
PHOTO/S: Instagram

Popular sa manonood ang mga money-scam drama series at documentary series ng Netflix dahil hindi nawawala sa listahan ng mga top content nito ang Inventing Anna, Tindler Swindler, at Fyre na pawang mga halaw sa tunay na pangyayari.

Sina Anna Delvey (Russian-German), Simon Leviev (Israeli), at Billy McFarland (American), ang mga pangunahing karakter sa Inventing Anna, Tindler Swindler, at Fyre, respectively.

Pero wala silang binatbat sa isang Filipino personality na nagsimulang magkamal ng salapi noong 15 years old pa lamang siya dahil sa husay niya sa credit card hacking at paggamit ng computer.

Nangyari ang insidente noong 1996 at may personal kaming kaalaman sa kaso ng teenager. Bukod sa nakausap namin siya, malapit kami sa legal counsel na tumulong para malutas ang problema niya.

Natuklasan ang modus ng teenager nang mag-check in siya sa suite room ng sikat na hotel sa Makati City, kasama ang kanyang mga kaibigan.

Kahit menor de edad, tinanggap siya bilang bisita ng hotel dahil nakatanggap ng tawag sa telepono ang front desk personnel mula sa isang babaeng nagpakilalang nanay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinigay ng babae sa kabilang linya ang pangalan ng kanyang anak at, diumano, dala nito ang credit card niya para pambayad sa mga gastusin.

Ang hindi alam ng front desk personnel, ang teenager din ang kanyang kausap. Binago nito ang boses at tumatawag lamang ito mula sa house phone ng hotel kaya mula sa kanyang puwesto, pinagmamasdan niya ang pagsasalita at kilos ng empleyado ng hotel.

Umabot sa P1.5 million ang bayarin ng Filipino personality dahil isang linggo siyang namalagi sa hotel, kumain sila ng kanyang mga kaibigan sa mga restaurant, at namili sa mga boutique store ng establishment.

Huli na nang malaman ng hotel management na scam artist ang teenager at iba ang tunay na may-ari ng credit card na ginagamit niya.

At dahil menor de edad ang Filipino personality, hindi siya masampahan ng kaso ng hotel management. Besides, isang malaking kahihiyan sa kanilang naloko sila ng teenager na Inglisero at may American twang kapag nagsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para maareglo ang kaso, kinuha ng teenager ang serbisyo ng isang abogado at ito ang nakipag-usap sa legal counsel ng hotel.

Mula sa P1.5 million, natawaran ng abogado sa P700,000 ang babayaran ng kanyang young client, na hindi man lang nakitaan ng pagkabahala dahil may hawak siyang ganoong kalaki ng pera.

Nagkakamal noon ng limpak-limpak na salapi ang teenager dahil nagtayo siya ng travel agency at ito ang ginagamit niya para ma-hack ang mga credit card ng mga personalidad na kanyang binibiktima.

Hindi natapos sa hotel incident ang problema ng teenager dahil dumating sa Pilipinas ang mga miyembro ng U.S. Interpol.

Natunton ng U.S.Interpol na nasa Pilipinas ang hacker ng mga credit card ng ilang American citizens, kabilang ang isang sikat na Hollywood actress.

Sa pakikipagtulungan ng government agency na nasa ilalim ng Department of Justice, nasukol nila ang teenager.

Nagulat ang mga miyembro ng U.S. Interpol at ng government agency nang makita nilang menor de edad ang suspect na expert sa computer.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagsisimula pa lamang ang paggamit at popularidad ng Internet noong dekada ’90 pero gamay na gamay na ito ng teenager na maabilidad kaya inalok siya ng trabaho ng government agency.

Pero tumanggi ang teenager dahil sa kanyang simpleng katuwiran na “maliit ang bayad.”

Malayo na ang narating ng teenager na naging popular sa propesyong pinili niya.

Tila binura na ng Filipino personality ang nakaraan nito. Pero marami kaming nakakaalam sa kanyang kahapon na hindi niya matatakasan, higit na makulay kesa sa kuwento ng buhay nina Anna, Simon, at Billy.

Postscript: Nabiktima rin noon ng teenager ang sikat na Filipina actress at ang credit card nito. Sadyang mapagbiro ang tadhana dahil kaibigan ngayon ng Filipino scammer ang anak ng aktres na walang kaalam-alam tungkol sa kanyang nakaraan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Popular ngayon sa Netflix ang drama series at docu series tungkol sa scam artists na sina (mula kaliwa) Anna Delvey, Simon Leviev, at Billy McFarland. Pero walang binatbat ang mga ito kumpara sa isang Filipino personality na nagsimula sa edad na 15.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results