PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vince Rillon aminadong nadadala sa erotic scenes: "Natural sa akin."

Vince Rillon, nakatulog matapos ang dalawang oras na shooting ng erotic scenes.
by Jojo Gabinete
Published Mar 1, 2022
Vince Rillon Ayanna Misola
"Natural iyon, yung parang tumataas ang balahibo mo. Parang nadadala ka sa eksena. Pero kapag nag-cut yung direktor, kailangan bumitaw ka sa karakter mo," saad ni Vince Rillon sa pag-shoot ng erotic scenes. Katambal niya si Ayanna Misola sa Vivamax series na L.

Kung nakaramdam ng pagod ang mga nakapanood sa extended love scenes nina Vince Rillon at Ayanna Misola sa Vivamax series na L, mas matindi ang pagod na naramdaman ni Vince nang kunan ang mga erotikong eksena na iyon.

Ito ang ipinagtapat ng aktor sa digital media conference na naganap nitong Martes ng hapon, March 1, 2022.

Lahad ni Vince, "Pagod na pagod ako sa mga eksena namin ni Ayanna, sa sex scenes namin.

"Kasi, kakaiba dahil pinapanood pa kami ni Direk ng peg, kung ano yung gagawin namin sa kama, at kung ano yung mga posisyon. So, nahirapan talaga ako," lahad ni Vince.

Ang tinutukoy niyang "Direk" ay ang direktor ng L na si Topel Lee.

"Pagod na pagod ako, nakita nina Direk. After ng takes namin, tahimik na ako sa gilid. Umiidlip na ako.

"Si Ayanna, umiidlip na rin sa gilid. Kapag nag-cut na yung direktor, para na kaming low-batt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Challenging at kakaiba dahil nga yung direktor, hinigitan niya yung mga nagdaan naming pelikula.

"Hinigitan niya sa sex scenes, so masasabi kong pagod ako," kuwento ni Vince.

Read: Ayanna Misola, tanggap ng pamilya ang paghuhubad niya sa pelikula

Hindi naman pinagsisisihan ni Vince ang dire-diretso at dalawang oras na shooting ng sex scenes nila ni Ayanna dahil ang L ang number one content sa Vivamax simula pa noong Linggo, February 27.

Marami ang nagsasabing masuwerte si Vince dahil nakapareha na niya sa love scenes ng mga pelikula ng Viva ang karamihan sa baguhang sexy stars.

Pero itinuwid niya ang impresyon ng mga kalalakihang kinaiinggitan siya.

"Actually, hindi suwerte. Blessed, napaka-blessed kasi maraming partners.

"Hindi ako suwerte kasi ang suwerte nauubos.

"Aaminin ko, blessed ako kasi nabigyan ako ng break na iba-iba ang partners," paglilinaw ni Vince.

AFFECTED BY LOVE SCENES?

Hindi niya itinangging "naaapektuhan" siya ng mga sex scene na ginagawa nila ng kanyang mga kapareha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Vince: "Natural iyon, yung parang tumataas ang balahibo mo. Parang nadadala ka sa eksena.

"Pero kapag nag-cut yung direktor, kailangan bumitaw ka sa karakter mo, and then, kapag pack-up, medyo iwanan mo yung karakter mo kasi mahirap.

"Alam ko naman sa sarili ko na lalake ako. Para sa akin, kapag lalake, madadala ka sa eksena.

"Pero iniisip ko, nangingibabaw para sa akin yung trabaho, na kaya ko ginagawa ito dahil sa trabaho."

Siniguro ni Vince na hindi nauuwi sa totohanan ang trabaho sa set.

"Natural sa akin," tukoy niya sa mga pagkakataong nadadala siya sa love scene.

"Pero hindi naman nade-develop na yung after ng work, may something or nagkita, walang ganoon.

"Sa eksena, oo, natural na mangyari iyon na makaramdam ng feelings [lust]—na alam mo naman iyon, kapag nasa sex scene—pero kailangan gawin as a character."

VINCE ON MISSING SUNDAY MASS

Mula nang magbida si Vince sa Siklo noong 2021, nagkasunod-sunod na ang kanyang mga proyekto kaya marami ang ipinagbago sa takbo ng buhay niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dati-rati, regular ang pagsisimba ni Vince.

Hindi na niya ito nagagawa dahil sa lock-in shooting ng mga pelikulang kanyang ginagawa.

"Hindi na ako nakakalabas ng bahay, hindi na ako nakakapagsimba. Hindi katulad dati na kapag weekend, nagsisimba ako. Ngayon, hindi ko na magawa.

"Kahapon, Sunday, gusto kong magsimba dahil malapit lang sa amin yung simbahan. Hindi ako makapagsimba dahil may shooting.

"Gusto kong mag-thank you, magdasal. Nao-overwhelm talaga ako. Thankful ako kay God."

At bilang gantimpala sa sarili dahil sa kanyang halos walang pahingang pagtatrabaho, bumili si Vince ng bagong sasakyan na katas ng mga pinaghirapan niya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Natural iyon, yung parang tumataas ang balahibo mo. Parang nadadala ka sa eksena. Pero kapag nag-cut yung direktor, kailangan bumitaw ka sa karakter mo," saad ni Vince Rillon sa pag-shoot ng erotic scenes. Katambal niya si Ayanna Misola sa Vivamax series na L.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results