Ayanna Misola, may no-touch rule sa paghubad sa pelikula

by Jojo Gabinete
Mar 3, 2022
Ayanna Misola
Ayanna Misola: "Wala pa naman mga eksena na sumuko ako dahil nagtitiwala ako sa kapartner ko," paglilinaw niya. Pero may mga limitasyon ako—hindi puwedeng hawakan ang private parts ko. Okay lang sa akin na ipakita ang katawan ko."
PHOTO/S: @ayannamisola Instagram

Masayang-masaya muli ang newbie sexy star na si Ayanna Misola dahil certified blockbuster ang "Larawan," ang unang episode ng L, ang sexy-drama series ng Vivamax na pinagbibidahan nila ni Vince Rillon.

Si Ayanna ang lead actress ng L.

Sobrang lakas ng "Larawan" episode sa streaming platform, at nahigitan pa nito ang Kinsenas, Katapusan, ang launching movie niyang matagal number one content sa nabanggit na streaming platform.

Read: Ayanna Misola, tanggap ng pamilya ang paghuhubad niya sa pelikula

Labis ang kasiyahan ni Ayanna dahil nagkaroon ng magandang kapalit ang pagod na naramdaman nila ni Vince.

Wala silang pahinga na kinunan sa loob ng dalawang oras ang kanilang mga love scene na walang putol at pitong minutong mapapanood sa series.

Marami ang nagsasabi kay Ayanna na nakabibigla ang mga erotic scene nila ni Vince, pero tiniyak ng 19-year-old sexy star na nasunod ang kanyang mga limitasyon sa paghuhubad sa "Larawan" at sa ibang mga proyekto niya sa Viva.

Continue reading below ↓

"Wala pa naman mga eksena na sumuko ako dahil nagtitiwala ako sa kapartner ko," paglilinaw niya.

"Pero may mga limitasyon ako—hindi puwedeng hawakan ang private parts ko. Okay lang sa akin na ipakita ang katawan ko.

"Pero yung papahawakan ko sa kapartner ko ang private parts ko, yun ang limitasyon ko, at alam iyon ni Vince since Siklo pa."

AYANNA'S ADJUSTMENT FOR WORK

Naninirahan si Ayanna at ang pamilya nito sa Sta. Rosa City, Laguna, pero napilitan siyang lumipat sa Quezon City.

Isa raw ito sa mga malaking pagbabago sa kanyang buhay mula nang magkasunud-sunod ang mga acting assignment niya.

"Hindi na ako nakatira sa Sta. Rosa. Nandito na ako sa Quezon City. Hindi na ako masyadong nakakauwi sa Sta. Rosa kasi sunud-sunod ang mga lock-in taping at shooting namin," ani Ayanna.

Bumili ng bagong laptop computer ang sexy star mula sa kanyang mga naipong talent fee bilang gantimpala sa sarili.

Continue reading below ↓

Ipinagmalaki ni Ayanna na ang laptop ang ginagamit niya sa mga Zoom presscon ng kanyang mga bagong proyekto.

"Yung nabili para sa sarili ko, laptop computer, ginagamit ko sa mga presscon," ang masaya at parang batang kuwento ni Ayanna.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayanna Misola: "Wala pa naman mga eksena na sumuko ako dahil nagtitiwala ako sa kapartner ko," paglilinaw niya. Pero may mga limitasyon ako—hindi puwedeng hawakan ang private parts ko. Okay lang sa akin na ipakita ang katawan ko."
PHOTO/S: @ayannamisola Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results