PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Burmese actor Paing Takhon released after 11 months imprisonment

Asian fans ni Paing Takhon, ipinagbunyo ang paglaya niya.
by Jojo Gabinete
Published Mar 4, 2022
paing takhon
Nakulong ang Burmese actor/singer-model na si Paing Takhon sa loob ng 11 buwan dahil sa pagsali sa mga kilos-protesta laban sa military junta na na isinagawa sa kanilang bansa, ang Myanmar. Sa kaliwang larawan ay makikita si Paing (kaliwa, kasama ang isang kaibigan) ilang araw pagkatapos niyang lumaya.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Nakalaya na mula sa labing-isang (11) buwang pagkakakulong ang popular 25-year-old Burmese actor, singer, at model na si Paing Takhon.

Dinakip si Paing sa tahanan ng kanyang ina sa Yangon, Myanmar noong April 2021 dahil aktibo siya sa pagsuporta at pagdalo sa mga kilos-protesta laban sa military junta na nagtagumpay na agawin ang kapangyarihan mula sa pamahalaan nang magsagawa sila ng coup d'etat noong February 1, 2021.

paing takhon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalis ng militar ang Facebook at Instagram accounts ni Paing na mahigit sa isang milyon ang followers at ginamit niya para punahin ang Mynamar junta.

Noong December 2021, nahatulan si Paing ng tatlong taong pagkakakulong at "hard labor" dahil sa paglabag niya sa Section 505 (a) ng Penal Code of Myanmar (prohibits causing fear, spreading false news and agitating crimes against a government employee, all punishable by up to three years' imprisonment).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma ng junta ang paggagawad nila ng kapatawaran at pagpapalaya kay Paing at sa mga kapwa artista nitong sina Lu Min, Pyi Ti Oo, at Eaindra Kyaw Zin para makatulong sila sa pagbuo ng bansa sa pamamagitan ng kanilang sining.

“Paing Takhon has arrived back home,” pahayag ng legal counsel ni Paing.

Ikinatuwa ito ng mga tagahanga ni Paing sa Myanmar, Thailand, at ibang bansa sa Asya.

Mabilis na kumalat sa social media ang mga larawan ni Paing na kuha matapos ang paglaya nito na ibinahagi ng mga kaibigan niya para sa kasiyahan ng kanyang fans at supporters.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakulong ang Burmese actor/singer-model na si Paing Takhon sa loob ng 11 buwan dahil sa pagsali sa mga kilos-protesta laban sa military junta na na isinagawa sa kanilang bansa, ang Myanmar. Sa kaliwang larawan ay makikita si Paing (kaliwa, kasama ang isang kaibigan) ilang araw pagkatapos niyang lumaya.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results