PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Russian TV station staff resigns live on-air

Russian government, away ipagamit ang mga salitang "invasion" at "war."
by Jojo Gabinete
Published Mar 4, 2022
rain tv walkout
“It was the last news bulletin. Let’s say, the last this season. We hope very much that we will resume broadcasting. How, where on what platforms, we don’t know yet how this would be,” pahayag ni Natalya Sindeeva, ang CEO ng TV Rain bago sila mag-walkout sa huling broadcast ng kanilang TV station.
PHOTO/S: YouTube

Nagbitiw sa kanilang tungkulin ang lahat ng mga tauhan ng Rain TV, ang independent television network sa Russia, bilang protesta sa pananakop ng Russia sa Ukraine.

Live itong napanood sa kanilang huling broadcast nitong Huwebes, March 3, 2022.

"No to war" ang mensahe na iniwan ng mga tauhan ng Rain TV na nakaranas ng pressure mula sa Russian government at pinagbantaang tuluyang ipasasara dahil sa paggamit nila ng mga salitang "invasion" at "war" sa kanilang mga report.

Labag sa kalooban ng mga empleyado ng Rain TV ang ipinag-uutos ng pamahalaan na "special military operations" ang salitang gamitin nila at ng lahat ng news outlets tungkol sa pananakop na ginagawa ng Russia sa Ukraine.

Nawala sa ere noong nakaraang linggo ang Rain TV kaya naghatid sila ng mga balita sa pamamagitan ng kanilang YouTube channel.

Pero noong Huwebes ng gabi, March 3, nagdesisyon ang network founders na ihinto ang broadcast dahil imposible nang ipagpatuloy ang trabaho nila dahil desisido ang Russian government na ipasara sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It was the last news bulletin. Let’s say, the last this season. We hope very much that we will resume broadcasting. How, where on what platforms, we don’t know yet how this would be,” pahayag ni Natalya Sindeeva, ang CEO ng TV Rain.

“No pasaran [they shall not pass]. No to war. Definitely no to war,” ang huling mensahe ng staff ng Rain TV na sinundan ng kanilang makasaysayan, sabay-sabay, at sama-samang pag-alis sa studio nila.

Nang matapos ang broadcast, ang video ng Swan Lake, ang 1875 ballet ng Russian composers na sina Giscard Rasquin at Pyotr Ilyich Tchaikovsky, ang ipinalabas ng Rain TV.

Ang Swan Lake ang napapanood sa telebisyon sa Russia kapag may mga lider na namamatay.

Muli itong ipinalabas nang maganap ang Soviet coup d’etat attempt noong August 1991 kaya naging simbolo ng instability o kawalan ng katatagan ang nasabing ballet.

Ang airing ng Rain TV sa Swan Lake ang pinaniniwalaang pahiwatig nila tungkol sa madilim na kinabukasan at kalagayan sa mga susunod na araw ng media na kinokontrol ng Russian government.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“It was the last news bulletin. Let’s say, the last this season. We hope very much that we will resume broadcasting. How, where on what platforms, we don’t know yet how this would be,” pahayag ni Natalya Sindeeva, ang CEO ng TV Rain bago sila mag-walkout sa huling broadcast ng kanilang TV station.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results