PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pamilya ng Thai actress Tangmo Nida, mala-teleserye ang hidwaan

Thai citizens, dismayado sa pagtanggap ng compensation money ng ina ni Tangmo
by Jojo Gabinete
Published Mar 6, 2022
Tangmo Nida and her parents, Sophon Patcharawirapong, Panida Siriyudthayothins
Patuloy na tinututukan ng Thai citizens ang mala-teleseryeng hidwaan sa pagitan ng mga magulang ng namayapang Thai actress na si Tangmo Nida (kaliwa at inset). Karamihan ay hindi sang-ayon sa pagtanggap ng milyun-milyong compensation money ng kanyang inang si Panida, kapalit ng pag-abswelto sa mga kabilang sa kaso.
PHOTO/S: https://www.newsunzip.com/wiki/tangmo-nida/; @melonp.official on Instagram

Ang Thai news anchor na si Phuri Pathara ng Thairath TV ang isa sa mga nagpahayag ng pagkadismaya sa mga nangyayari sa kaso ng pagkamatay ni Nida “Tangmo” Patacharaveerapong, ang 37-year-old actress na nalunod at namatay sa Chao Praya River nang mahulog siya mula sa speedboat na sinasakyan noong gabi ng February 24, 2022.

Natagpuan na nakalutang sa Chao Praya River ang bangkay ni Tangmo (watermelon o pakwan ang kahulugan sa Thai language kaya @melonp ang Instagram username niya) noong February 26, pero hindi naniniwala ang kanyang inang si Panida Siriyudthayothin na aksidente ang nangyari.

Iginiit ni Panida na biktima ng foul play ang kanyang anak pero dalawa sa lima na mga akusado ang pinatawad niya kapalit ang 30 million baht (P47.5 million sa Philippine currency).

Pumayag si Panida na tanggapin ang areglo o compensation money na inialok ng speedboat owner na si Tanupat "Por" Lerttaweewit kaya pinaratangang ganid sa salapi ang tanging ina ni Tangmi at umani siya ng kaliwa’t kanang batikos mula sa kanyang mga kababayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkasundo sa 30 million baht ang magkabilang panig dahil ibinatay ni Panida sa mga kikitain ni Tangmo bilang artist at model kung nabubuhay pa ito ang perang tatanggapin niya mula kaya Tanupat.

Nakahanap ng kakampi si Panida sa mga Filipino netizens na walang nakitang masama sa kanyang ginawa. Para sa Pinoy netizens, naging praktikal lamang ang ina ni Tangmo dahil hindi na maibabalik ang buhay ng kanyang anak.

Ganunpaman, iba ang katuwiran ng mga mamamayan ng Thailand.

Tulad ng Christine Dacera case na naging national issue sa Pilipinas noong nakaraang taon, mistulang teleserye na hindi nawawalan ng twist na sinusubaybayan ng Thai people ang kaso ni Tangmo dahil sa pagpayag ng kanyang ina na makipag-areglo sa mga akusado.

Para sa mga Thai, ang ama ni Tangmo na si Sophon Patcharawirapong ang higit na may karapatang tumanggap ng compensation money dahil siya ang nagpalaki sa kanyang anak.

Apat na taon pa lamang si Tangmo nang maghiwalay ang mga magulang niya. Si Sophon ang nag-alaga sa kanya at dalaga na siya nang muli silang magtagpo ni Panida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang aminin ni Panida noong Biyernes, March 4, na tinanggap nito ang 30 million baht na compensation money, inilabas ng Thai news anchor na si Phuri ang video ng panayam kay Sophon noong November 2015 tungkol sa mga pagsasakripisyo niya bilang ama ni Tangmo.

“I’ve lost my house, my car… everything for one woman [Tangmo].

“The day I decided to divorce her mother, other asset or money we could negotiate.

“To have this woman [Tangmo], I could trade anything in the world. As I came from a Chinese family who never did any house chores and we had to rent out an apartment, I had to do all the laundry myself and started to learn how to cook. Being a single parent is not perfect or beautiful as I pictured. My child is my everything.”

Bukod sa paglalabas niya ng lumang video ng interbyu sa ama ni Tangmo, nagpahayag ng pagkadismaya si Phuri dahil ang media ang nilapitan at hiningan ng tulong nang maganap ang aksidente pero nanahimik at hindi na nagpainterbyu ang mga pangunahing tauhan sa kaso matapos mangyari ang "aregluhan."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy na tinututukan ng Thai citizens ang mala-teleseryeng hidwaan sa pagitan ng mga magulang ng namayapang Thai actress na si Tangmo Nida (kaliwa at inset). Karamihan ay hindi sang-ayon sa pagtanggap ng milyun-milyong compensation money ng kanyang inang si Panida, kapalit ng pag-abswelto sa mga kabilang sa kaso.
PHOTO/S: https://www.newsunzip.com/wiki/tangmo-nida/; @melonp.official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results