PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Velarde recalls passing the virtual audition for American Idol

Katrina Velarde recalls performing at 5 a.m. for American Idol producers.
by Jojo Gabinete
Published Mar 8, 2022
Katrina Velarde
Katrina Velarde on unforgettable experience auditioning for American Idol: "Last year, someone from American Idol reached out to me and asked if I want to audition virtually so I did. I sang at 5 am Philippine time, kaloka."
PHOTO/S: @katrinavelarde24 Instagram

Nakapasa si Katrina Velarde sa virtual auditions ng American Idol noong nakaraang taon, pero hindi natuloy ang paglipad niya sa Amerika dahil naging isyu ang kanyang working visa.

Ibinahagi ni Katrina ngayong Martes, March 8, ang kanyang karanasan sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Pero hindi man natupad ang pagsali niya sa sikat na singing competition sa Amerika, naniniwala siya na mangyayari ang magaganda at mabubuting pangarap kung magtitiwala sa perfect timing ng Panginoong Diyos.

"Last year, someone from American Idol reached out to me and asked if I want to audition virtually so I did. I sang at 5 am Philippine time, kaloka.

"Producers of the show were watching and more. I remember a lot of amazing singers from different countries auditioning.

"I passed the levels but then the problem came and it's always the VISA. I won’t make it to the audition in person. Sayang!" ang Facebook post ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katrina Velarde

NO TIME TO APPLY FOR A WORKING VISA

Nakipag-ugnayan kami sa kanya upang maging malinaw sa lahat ang kuwento niya.

Ipinaliwanag ni Katrina sa Cabinet Files na para makasali sa American Idol, working visa at hindi tourist visa ang kailangan niya.

Pero kulang na ang panahon para makapag-apply siya sa U.S. Embassy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang reason lang is working visa ang kailangan na i-apply. Too late na dahil after ng audition ko, dapat nang lumipad sa U.S., a week after kaya hindi na kakayanin.

"They don't allow tourist visa. Hindi ko na rin masyadong matandaan ang specifics, pati ang schedule dahil si Mike ang nakipag-usap sa kanila.

"Yung details, nasa phone niya," ang sabi ni Katrina.

Ang mister ni Katrina na si Mike Shapiro ay isang drummer at music producer na pumanaw noong November 2021.

Kakakasal lamang ng couple noong May 2021 sa Tagaytay.

ON KEEPING THE FAITH

Buo ang pananalig ni Katrina na ibibigay ng Diyos ang lahat sa wastong panahon.

"Kapag hindi pa talaga time, it's not going to happen yet. So don’t rush because there's no shortcut.

"Might be a long way but if God wants you in there, then you will be," ang matalinhagang pahayag ni Katrina.

May katotohanan ito dahil sa karanasan ni Miss America 2016 Betty Cantrell Maxwell na nakapasa noong March 6 sa audition para sa Season 20 ng American Idol.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matagal nang pangarap ni Betty na maging singer kaya kahit may beauty title na, sumali ang former Miss America sa American Idol auditions at masuwerte na nakapasa dahil ito ang tamang panahon para sumali siya.

Betty Maxwell

Gaya ni Betty, malaki pa ang pagkakataon ni Katrina na maging kalahok sa American Idol dahil sa kanyang hindi matatawaran na talento sa pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero matutupad lamang ito kung gugustuhin, paghahandaan, at sasamahan niya ng taimtim na dasal para patnubayan siya ng Poong May-kapal.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Velarde on unforgettable experience auditioning for American Idol: "Last year, someone from American Idol reached out to me and asked if I want to audition virtually so I did. I sang at 5 am Philippine time, kaloka."
PHOTO/S: @katrinavelarde24 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results