PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lara Morena's nieces follow her footsteps in sexy movies

"Actually, siya ang nag-push sa aming magkakapatid to do sexy roles."
by Jojo Gabinete
Published Mar 10, 2022
 Angela Morena, Stephanie Raz, Micaella Raz
(From left) Angela Morena, Stephanie Raz, at Micaella Raz sumunod sa yapak ng kanilang tiyahin na si Lara Morena sa pagpapaseksi sa pelikula.
PHOTO/S: @stephanieraz on Instagram

Tatlo, at hindi lamang dalawa ang mga pamangkin ni Lara Morena na sinusundan ang ginawa nitong pagpapaseksi sa pelikula nang mag-umpisa ang kanyang showbiz career noong 1996.

Gaya ni Lara, ang paghuhubad sa pelikula ang pinili ng magkakapatid na Angela Morena, Stephanie at Micaella Raz para matupad ang mga pangarap nilang maging artista.

Ang sexy movie na XDeal 2 ang launching movie ni Angela; ang Pornstar 2 ang unang pelikula ni Stephanie; at ipinakikilala si Micaella sa Virgin Forest.

Maliit na bata pa si Angela nang magsimula ang acting career ni Lara kaya wala siyang napanood sa mga nakaraang sexy films ng kanyang tiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala akong napanood na sexy movies ni Tita Lara. Ang mga napanood ko lang, yung mga kasama niya sina Redford White at Michael V.

"Bata pa kasi ako noon so bawal pa na ipapanood sa amin yung sexy filma. Pero ngayon, parang nagkaroon ako ng idea na gusto kong panoorin yung sexy films niya.

“Actually, siya ang nag-push sa aming magkakapatid to do sexy roles. Siya ang nag-encourage sa amin na that is a good start, stepping stone for us to be in showbiz. Talagang napaka-supportive po ni Tita Lara sa amin,” sabi ni Angela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinusuportahan naman ni Angela ang showbiz career ng kanyang mga kapatid na sina Stephanie at Micaella.

Kuwento niya, “Kami po ni Stephanie, kapag may mga project na natatanggap, pinag-uusapan po namin. Nagto-throw lines kami, tinuturuan ko rin siya. Nagpa-practice kami together with Tita Lara.

“Tinutulungan ko rin siyang mag-promote, pag-share ng pictures, mag-comment [sa social media], pagsasabi sa ibang friends namin na may new movie ang sister ko, panoorin nila."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mahiyain ang impresyon ng mga tao kay Angela, pero ipinagmalaki niyang palaban sila ng kanyang mga kapatid.

Nagliwanag ang mukha ni Angela nang itanong namin kung gugustuhin ba niyang sila ng kanyang mga kapatid ang magbida sa Virgin People, kung sakaling may movie producer na makaisip na gumawa ng bagong bersyon ng pelikula nina Janet Bordon, Myrna Castillo, at Pepsi Paloma?

Magkakapatid sina Janet, Myrna, at Pepsi sa Virgin People na isa sa mga kontrobersiyal na proyekto noong 1984 ng pumanaw na direktor na si Celso Ad. Castillo, ang self-proclaimed Messiah of Philippine Cinema.

virgin people

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang tunay na magkakapatid, maaaring magbida sina Angela, Stephanie at Micaella sa possible remake ng pelikula.

“Yes! Yes! I am willing to remake it if ever na i-pitch yung movie sa aming magkakapatid,” may pananabik na reaksiyon ni Angela.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Angela Morena, Stephanie Raz, at Micaella Raz sumunod sa yapak ng kanilang tiyahin na si Lara Morena sa pagpapaseksi sa pelikula.
PHOTO/S: @stephanieraz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results