PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes, anim na araw nang mapapanood sa GMA-7

Ano ang timeslot ng Family Feud sa GMA-7?
by Jojo Gabinete
Published Mar 10, 2022
Dingdong Dantes, Family Feud
Nagbabalik si Dingdong Dantes bilang host ng Family Feud, at magsisimula na itong umere sa GMA-7 sa March 21, 2022.
PHOTO/S: Family Feud

Tiyak na ang pagbabalik ng Philippine franchise ng Family Feud sa March 21, 2022, at muli itong mapapanood sa GMA-7.

Magbabalik din si Dingdong Dantes bilang host ng Family Feud Philippines na matutunghayan tuwing 5:45 p.m. bago magsimula ang 24 Oras.

Iyon ang timeslot ng Dapat Alam Mo! na ipinalit sa Wowowin, ang game at public service show ni Willie Revillame na nagpaalam sa Kapuso Network noong February 11, 2022.

Anim na araw nang makikita ang actor-host sa mga programa ng GMA-7 dahil tuwing Linggo ang Amazing Earth, ang kanyang informative program, samantalang mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ang Family Feud.

Interesting ang bagong season ng Family Feud dahil mga celebrity ang maglalaro sa Season 1 ng game show ni Dingdong.

Si Dingdong din ang unang host ng Family Feud noong 2009 hanggang 2010.

Ibinahagi ni Dingdong sa isang social media post na inuumpisahan niya ang mga bagong "paglalakbay" sa pamamagitan ng pagdarasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Starting every new journey with a prayer. To thank our Creator for blessing us with an opportunity to learn, grow, and have fun.

"Mas marami tayong mapapasayang mga Kapuso sa pagsisimula ng Family Feud,” ang sabi ni Dingdong.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbabalik si Dingdong Dantes bilang host ng Family Feud, at magsisimula na itong umere sa GMA-7 sa March 21, 2022.
PHOTO/S: Family Feud
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results