PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nanay ni Sanya Lopez, crush si Gabby Concepcion

Nahihiya lang ang nanay ni Sanya.
by Jojo Gabinete
Published Mar 19, 2022
Gabby Concepcion, Marlyn Roberto, Sanya Lopez
Ibinuko ni Sanya Lopez (dulong kanan) ang pagkakaroon ng crush ng nanay niyang si Marilyn Roberto (gitna) sa First Lady leading man niyang si Gabby Concepcion (dulong kaliwa).
PHOTO/S: @concepciongabby Instagram / Courtesy of Sanya Lopez

Nagsimula noong Valentine’s Day, February 14, ang airing ng First Lady at ilang araw pa lamang ang nakalilipas, natanggap ni Sanya Lopez ang magandang balita—may extension ang romance-drama primetime series ng GMA-7 na pinagbibidahan nila ni Gabby Concepcion!

Kaya sinabi niya ang kasiyahan na nararamdaman sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files.

“Ang saya ko nung malaman ko na extended agad ang show namin.

"Very thankful talaga ako sa trust na binibigay ng GMA-7 management sa cast at sa buong production team.

"Ito ang isa sa mga show ko na hinding-hindi ko makakalimutan.”

Unang nakapareha ni Sanya si Gabby sa First Yaya, ang equally successful prequel ng First Lady.

Ang mga pagbabago na napansin niya kay Gabby sa muling pagtatambal nila sa isang television series ang aming itinanong kay Sanya dahil mas kilala na niya ngayon ang kanyang kapareha.

“Sa pakikitungo niya sa amin, hindi siya nagbabago. Ganun pa rin si Mr. Gabby, always a gentleman,” ang sagot ni Sanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero sa physical aspect, lalo siyang gumuguwapo, lalo na kapag nakasuot siya ng Barong Tagalog at naka-President Glen Acosta look. He’s always clean-looking at ang bangu-bango niya palagi.”

May unforgettable experiences o fun facts ba siyang maibabahagi tungkol kay Gabby habang nasa lock-in taping sila ng First Lady?

“Siguro yung romantic scenes namin.

"Nung umpisa kasi naiilang pa ako sa kanya kasi siyempre Gabby Concepcion yan.

"Pero dahil very gentleman nga si Mr. Gabby kaya nagamay ko na siya sa mga eksena namin. Ini-enjoy na lang namin ang bawat scene.”

Fan ni Gabby ang nanay ni Sanya na si Marlyn Roberto at hindi pa niya nakikilala nang personal ang iniidolong aktor.

Ramdam na ramdam ni Sanya na nahihiya lamang ang nanay niya pero gustung-gusto nito na makita nang personal ang kanyang leading man sa First Lady.

“Hindi pa sila nagkikita ni Mr. Gabby pero alam ko na my mom is dying to see him too. Hindi man sinasabi yun ni Mommy, pero ramdam ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nahihiya lang si Mommy dahil ayaw niya akong naiistorbo sa work ko kaya si Mommy is more on sa pag-asikaso ng house namin sa Bulacan.

“Pero marami siyang naikukuwento sa akin kung gaano rin siya ka-fanatic kay Mr. Gabby before. Actually, crush niya,” ang natatawa pangkuwento ni Sanya tungkol sa pagkagiliw kay Gabby ng nanay niya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinuko ni Sanya Lopez (dulong kanan) ang pagkakaroon ng crush ng nanay niyang si Marilyn Roberto (gitna) sa First Lady leading man niyang si Gabby Concepcion (dulong kaliwa).
PHOTO/S: @concepciongabby Instagram / Courtesy of Sanya Lopez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results