PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MJ Lastimosa on indecent proposal

MJ Lastismosa, bakit tinanggap ang escort-girl role sa Take Me To Banaue.
by Jojo Gabinete
Published Mar 21, 2022
mj lastimosa
MJ Lastimosa on portraying an escort girl in Take Me To Banaue: "Paano ba talaga napo-portray ang isang escort girl? Kapag nakita mo yung isang babae, masasabi mo ba na escort girl siya? There will always be always a mystery sa isang babae na nakikita mo na maganda siya, pero ano ba talaga ang ginagawa niya sa gabi?"
PHOTO/S: @mj_lastimosa on Instagram

Hindi pa raw nararanasan ni MJ Lastimosa na makatanggap ng mga indecent proposal, kahit nang koronahan siya bilang Miss Universe Philippines noong 2014.

Ito ang sinabi niya sa Sunday afternoon, March 20, digital media conference para sa Take Me To Banaue, ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Maureen Wroblewitz at ng American actor na si Brandon Melo at mula sa direksiyon ni Danny Aguilar.

“Actually, minsan napag-uusapan namin na, alam mo hanggang ngayon, may mga basher pa ring nagme-message sa akin na ‘Inaalagaan ka ni ganitong politician.’

“Sabi ko, saan ba nanggagaling kasi itong mga tsika na’to?” sagot ni MJ sa tanong sa kanya ng Cabinet Files tungkol sa indecent proposal na naranasan at nararanasan hanggang ngayon ng ibang mga beauty queen.

“Pero alam niyo, wala talagang nag-approach sa akin, bakit kaya? Bakit kaya wala? Pero wala talaga akong experience sa ganoon.

“Sa Binibining Pilipinas, isa yun sa mga ipinagmamalaki ko talaga na how Mrs. Stella Araneta really took care of her queens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat ng travels ko before, lahat ng engagements ko, I have a bodyguard na babae, ladyguard para kahit saan ako pumunta, kahit restroom pa ‘yan, puwede siyang sumama.

“I really felt protected. Siyempre, that time probinsyana ako, galing ako sa Davao. Hindi naman marami ang kakilala ko, walang gaanong family in Manila.

"So, yun ang isa sa mga ipinagpapasalamat ko kay Mrs. Araneta.

“She was really keen on making sure that her queens are safe, kahit wala siya.”

Napag-usapan ang isyu tungkol sa mga indecent proposal dahil sa escort-girl role ni MJ sa Take Me To Banaue.

Tinanggap ni MJ ang alok para bigyang-buhay ang katauhan ni Paloma dahil nagustuhan niya ang script ng pelikula at ang karakter na ipinagkatiwala sa kanya ni Aguilar.

“Paano ba talaga napo-portray ang isang escort girl? Kapag nakita mo yung isang babae, masasabi mo ba na escort girl siya?

“There will always be always a mystery sa isang babae na nakikita mo na maganda siya, pero ano ba talaga ang ginagawa niya sa gabi?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Direk Danny made it easy for me para magkaroon talaga kami ng clear… kung paano ipo-portray si Paloma na very hardworking, goal-oriented, may gusto talaga siyang marating sa buhay kaya may other job pa siya, other than the day job she was doing,” paliwanag ni MJ tungkol sa "challenging character" niya sa Take Me To Banaue.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MJ Lastimosa on portraying an escort girl in Take Me To Banaue: "Paano ba talaga napo-portray ang isang escort girl? Kapag nakita mo yung isang babae, masasabi mo ba na escort girl siya? There will always be always a mystery sa isang babae na nakikita mo na maganda siya, pero ano ba talaga ang ginagawa niya sa gabi?"
PHOTO/S: @mj_lastimosa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results