President Gibbs satire video ni Janno Gibbs, patok sa publiko

by Jojo Gabinete
Mar 21, 2022
president gibbs
Janno Gibbs on President Gibbs satire video: “Maraming salamat po sa mga naka-appreciate. Nakakataba po ng puso. Sa totoo lang, nagdalawang-isip ako kung gagawin ko yung materyal na isinulat ko dahil alam ko maselan. Pero naisip ko, malinis naman ang hangarin ko, ang magpasaring este magpasaya lamang.”
PHOTO/S: YouTube

Natutuwa si Janno Gibbs dahil tinatangkilik ng publiko ang satire video tungkol kay President Gibbs, ang karakter na nilikha niya para sa halalan ngayong Mayo 9, 2022.

Si Janno ang sumulat ng script at nagbida sa satire video tungkol sa tunay na pagkatao ng presidential candidate na si President Gibbs.

Nagustuhan ng marami ang satire video dahil nagawa ni Janno—na mala-Dolphy ang ipinamalas na pagganap—na gawing katatawanan ang kanyang mga karanasan sa tunay na buhay.

Kabilang dito ang pagkakatanggal niya sa cast ng Ang Probinsyano at bilang host ng noontime show na Happy Time.

Bibihira at iilan ang mga artista na kagaya ni Janno na mapagtatawanan at maluwag sa loob na tinatanggap ang kanilang mga pagkakamali at kahinaan kaya naghatid ng aliw sa publiko ang satire video, na malinaw na may kinalaman sa isang presidential aspirant.

Tiniyak ni Janno na may Part 2 ang kanyang hit at popular satire video pero siya lang muna ang mapapanood dahil nasa lock-in taping pa ang kanyang co-star na si Leo Martinez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nasa lock-in pa si Leo. Gagawa muna ako ng solo. Hopefully, next week, makapag-upload na ako ng bagong video,” pahayag ni Janno nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Lunes ng hapon, March 21, 2022.

Gaano niya katagal isinulat ang script ng wacky video ng President Gibbs?

“Sandali lang. Nag-swak lahat, e,” sagot ni Janno.

Ginamit ng singer-comedian ang Instagram account niya para pasalamatan ang lahat ng mga nagpahatid ng pagbati at pumuri sa satire video na mapapanood sa kanyang Janno Gibbs TV channel sa YouTube.

Saad niya, “Maraming salamat po sa mga naka-appreciate. Nakakataba po ng puso. Sa totoo lang, nagdalawang-isip ako kung gagawin ko yung materyal na isinulat ko dahil alam ko maselan.

“Pero naisip ko, malinis naman ang hangarin ko, ang magpasaring este magpasaya lamang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs on President Gibbs satire video: “Maraming salamat po sa mga naka-appreciate. Nakakataba po ng puso. Sa totoo lang, nagdalawang-isip ako kung gagawin ko yung materyal na isinulat ko dahil alam ko maselan. Pero naisip ko, malinis naman ang hangarin ko, ang magpasaring este magpasaya lamang.”
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results