Watch Now

Anak ng congressman, huli sa camera na nanuntok at nanipa ng security guard

by Jojo Gabinete
Mar 22, 2022
kurt teves
Nakunan sa CCTV at cellphone camera ang pagbabanta, pagsuntok, pagpapaluhod, at paninipa ni Kurt Matthew Teves sa isang security guard sa BF Homes Paranaque noong March 16, 2022. Si Kurt, na board member sa lalawigan ng Negros Oriental, ay anak ni Congressman Arnolfo Teves Jr.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras / Negros Chronicle

Deactivated na ang mga social media account ni Kurt Matthew Teves, ang anak ni Negros Oriental House Representative Arnolfo Teves Jr.

Inakusahan si Kurt ng pananakit sa security guard na si Jomar Pajares sa insidenteng nangyari sa entrance ng BF Homes, Parañaque City, noong nakaraang Miyerkules, March 16, 2022.

Nakunan ng cellphone camera ang pagbabanta, pagsuntok, pagpapaluhod, at paninipa ni Kurt kay Pajares.

kurt teves

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagalit si Kurt nang hindi umano ito papasukin ng guwardya sa loob ng BF Homes dahil walang required subdivision sticker ang sasakyang minamaneho niya.

Bago nangyari ang pananakit, nakunan ng CCTV si Kurt nang magpakilala itong anak siya ng congressman at ang kanyang hamong magbarilan sila ni Pajares dahil sa pagtanggi nitong papasukin siya kahit iginiit niyang may bahay sila sa BF Homes.

kurt teves

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Deactivated nitong Martes ng hapon, March 22, ang mga social media account ni Kurt.

kurt teves

Ito ay dahil sa netizens na kinukuyog siya at nagkakaisa sa pagkondena sa pananakit niya kay Pajares, na dumaranas ngayon ng matinding takot at trauma.

Nakalagay sa profile ng deleted social media accounts ni Kurt na presidente ito ng Liga ng mga Barangay at board member ng lalawigan ng Negros Oriental.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa nagsasalita si Kurt tungkol sa gulong kinasasangkutan niya.

Pero ngayong Martes ng gabi, eksklusibong nakapanayam ng 24 Oras ng GMA-7 ang kapatid ni Kurt na si Axl Teves. Humingi siya ng tawad para sa kasalanan ng kanyang nakababatang kapatid.

Pahayag ni Axl, “He’s very sad about the incident and yun nga, nag-usap kami nang brother to brother. I said, 'Kailangan natin itong ayusin.'

“Hihingi po kami ng patawad sa lahat ng pagkakamali ng brother ko."

Mensahe pa niya sa security guard na sinaktan at tinakot ni Kurt: "Yung brother ko po mismo ang kakausap sa 'yo, sasamahan ko.

“I understand natatakot ka kasi naging malaking isyu na 'to. Pero in behalf of my family and my brother Kurt, I want you to know na willing na willing kami kumausap sa 'yo nang maayos, kung saan mo gusto, tapos isama mo po kung sino ka comfortable.

“Boss, hindi ko sinasabi na kakausapin ka namin para hindi ka na magkaso o whatever. Ang mali po ay mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero gusto namin, as a human being, mag-peace na po tayo, boss."

axl teves

Nakiusap si Axl sa netizens na huwag nang idamay sa usapin ang ibang mga miyembro ng kanilang pamilya, tulad ng kanyang amang si Congressman Arnolfo Teves Jr.

Aniya, “Before anything, bago tayo maghusga, alamin muna natin ang full story. Yun ang pinakaimportante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And I’m asking the netizens, please avoid including other family members of Kurt because hindi naman talaga kami kasali sa nangyari, not even my father, because Kurt is an adult. He’s responsible of his actions, not my family."

CONTROVERSIAL FATHER

Tulad ng kanyang anak na si Kurt, naging kontrobersiyal noong October 2020 si Congressman Teves nang hamunin nito ng suntukan si dating House Speaker Alan Peter Cayetano at House Representative LRay Villafuerte dahil sa akusasyon ng mga itong sangkot siya sa mga ilegal na transaksyon.

“Sabihin mo kay Allan at kay LRay, kung gusto nila magharap kami. Kung gusto niya, magsuntukan kami, okay lang. T…ina nila,” hamon ni Congressman Teves kina Cayetano at Villafuerte sa phone-patch interview sa kanya ng News5 noong October 2021.

Si Teves din ang isa sa 70 kongresistang bumoto para tuluyang ibasura ang franchise renewal application ng ABS-CBN noong July 10, 2020.

Muling narinig ang pangalan ni Congressman Teves nang humarap ang businessman na si Charlie “Atong” Ang sa imbestigasyon ng Senado noong March 4, 2022 tungkol sa online sabong dahil idinamay ng kontrobersiyal na businessman ang mambabatas sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakunan sa CCTV at cellphone camera ang pagbabanta, pagsuntok, pagpapaluhod, at paninipa ni Kurt Matthew Teves sa isang security guard sa BF Homes Paranaque noong March 16, 2022. Si Kurt, na board member sa lalawigan ng Negros Oriental, ay anak ni Congressman Arnolfo Teves Jr.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras / Negros Chronicle
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results