Hinuhulaang hindi magtatagal ang pakikipagrelasyon ng aktor kapag hindi nagbago ang ugali ng kanyang beauty actress-girlfriend.
Ang pagiging selosa ng aktres ang isa sa mga dahilan ng madalas na pag-aaway nila ng actor boyfriend niya. May mga pagkakataong naghiwalay ang dalawa pero nagkabalikan dahil hindi nila matiis ang isa’t isa.
Ang mga tao sa paligid ng aktres ang nagpapatunay ng sobrang pagmamahal nito sa aktor kaya gusto niya na palagi silang magkasama, pero mahirap itong mangyari dahil sa mga showbiz commitment ng kanyang boyfriend.
Dating tahimik ang relasyon ng dalawa noong hindi pa nila inaamin sa publiko ang kanilang pagkakamabutihan. Apparently, hindi nakatulong ang pag-amin na ginawa ng aktor at ng aktres dahil nababahiran na ng mga intriga at kontrobersya ang pagsasama nila.
Nasa kamay na ngayon ng aktres (na marami pang dapat matutunan tungkol sa pakikipagrelasyon sa isang showbiz personality) ang desisyon kung gusto niyang magtagal ang relasyon nila ng aktor.
Dapat palawakin ng aktres ang pang-unawa, magtiwala sa kanyang boyfriend at bawasan ang pagiging selosa para hindi masakal ang aktor dahil may hangganan ang pasensya ng lahat, kahit ang pinakamabait at maunawaing tao.