PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MJ Lastimosa, lumabas ang natural na pagka-kikay sa Eat Bulaga

MJ Lastimosa, natatawa na lang sa kanyang mga bloopers
by Jojo Gabinete
Published Mar 27, 2022
MJ Lastimosa
Ikinatutuwa ng televiewers ang natural na pagka-kikay ng former beauty queen na si MJ Lastimosa na ngayo'y regular co-host na ng Eat Bulaga. (Left photo: @mj_lastimosa on Instagram)

Regular nang napapanood si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa bilang co-host ng Eat Bulaga, kaya nadiskubre at hinahangaan ng publiko ang kanyang pagiging witty at natural sa pagpapatawa.

Ganunpaman, aminado ang former beauty queen na napakarami na ng bloopers o pagkakamali niya bilang television host.

“Ang dami na! Hindi ko na mabilang ang dami ng bloopers at cringe moments ko.

"Every day, pag-uwi ko sa bahay na may nagawa ako na funny or cringy to me, kinu-consider ko yun as a learning experience.

"Hindi ko na dapat gawin next time,” pahayag ni MJ nang makausap siya ng Cabinet Files sa digital media conference para sa kanyang upcoming movie project, ang Take Me To Banaue.

Tatlong beses na lumahok si MJ sa beauty pageant ng Bb. Pilipinas Charities Inc. at sa huling beses ng kanyang pagsali noong March 30, 2014, napanalunan niya ang pinakamimithing Miss Universe Philippines crown.

KEEPING UP THE "BEAUTY QUEEN" FACADE

Prim and proper ang image noon ni MJ kaya nasorpresa ang mga tao nang malaman nilang masayahin, palabiro at kikay pala ang dating beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, noon kasi takot ako kay Mrs. Araneta. Joke!” ang natatawang sabi ni MJ na nagpaliwanag at nagkuwento tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

“Alam niyo naman po na ang image ng Bb. Pilipinas, talagang beauty queen. Naalaala ko pa, dati, talagang sinasabi sa amin na you can’t be seen in public drinking.

“You can’t do certain things like kapag lumalabas ka, hindi puwedeng hindi ka nakaayos. Always be a beauty queen, always wear the crown on your head.

“Yun talaga ang reminder sa amin, so parang in a way, since I already did Bb. Pilipinas three times, that’s three years of really wanting to win the top crown, hanggang na-imbibe ko na talaga yung pagiging beauty queen na somehow medyo nag-step out ako from the real MJ because I wanted to be this beauty queen persona na talagang winu-work hard mo na ma-achieve.

“Sinasabi nga ng past beauty queens, always be yourself. Pero was I really myself nung nagku-compete ako?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako ba talaga yun or was I trying so hard na hindi ko maipakita yung other traits na feeling ko pagtatawanan ng mga tao because I wanted them to see na worth it ako na maging Miss Universe Philippines?

“Yun ang masasabi ko na instances nung time na yun kaya we’re not able to showcase the other side of us, kasi masyado kaming focused sa mga expectation ng mga tao, kung paano nga ba ang isang beauty queen na mag-act in public.

“So by the time I really chose to step out na hindi na maging beauty queen, it’s okay to be funny. It’s okay to engage people more. It’s okay to joke around. I think yun ang nagustuhan ng mga tao.”

Si MJ ang kinatawan ng Pilipinas sa 63rd Miss Universe na ginanap noong January 25, 2015 sa Florida, USA.

TRANSCENDING HER NATIONAL COSTUME CONTROVERSY

Pinalad si MJ na makasama sa Top 10 candidates at pinag-usapan nang husto sa Pilipinas ang kanyang ginamit na national costume na ikinumpara sa fruit salad at pinagbibintangang dahilan kaya hindi siya nakapasok sa Top 5 candidates ng 63rd Miss Universe.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At dahil naging kontrobersyal noon ang national costume niya, tinanong namin kay MJ kung irerekomenda ba niya sa ibang beauty contest hopefuls na muling isuot o gamitin ang gown?

“Actually, ipinagpapasalamat ko na lang na hindi na nila napagdadaanan yung mga pinagdaanan namin dati na ultimo make-up, wala kaming choice.

“I think the freedom of the girls, of the representatives right now, really gave them the confidence to feel that they’re at their best because I think nakatulong talaga na maisusuot mo yung gown na gusto mo.

“Napakahirap ho to make yourself believe na kaya mo kahit hindi mo naman choice or kahit hindi mo naman na-fit yung gowns mo, pero I embraced it.

“I embraced my own journey kasi if not for that, hindi naman ma-o-open yung eyes natin na we can do better, na ang daming talented designers dito sa Pilipinas.

“Ngayon nga, napagtatawanan na lang, di ba? Nagte-trend pa siya ulit. Parang every time na lang na may beauty pageant, bumabalik at bumabalik ang aking national costume, so in a sense, parang I felt like nakatulong din siya sa akin na kilala na nila, alam na nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag nakikita nila ako sa labas, 'fruit salad!' Alam na nila, so hindi ko po dini-disown ang aking national costume,” natatawang pahayag ni MJ.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinatutuwa ng televiewers ang natural na pagka-kikay ng former beauty queen na si MJ Lastimosa na ngayo'y regular co-host na ng Eat Bulaga. (Left photo: @mj_lastimosa on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results