PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Francine Prieto, anxiety attacks kasagsagan ng pandemya

Francine Prieto, nakasanayan na ang buhay habang nasa lock-in taping
by Jojo Gabinete
Published Mar 27, 2022
Francine Prieto
Francine Prieto, minabuting mag-leave muna from showbiz noong kasagsagan ng pandemya: “Since nagkaroon ng pandemic, for more than one year, hindi ako tumatanggap ng taping dahil nagkaroon ako ng matinding anxiety at alam kong hindi ko magagawa nang maayos ang trabaho ko, ayokong maging pabigat sa set."

Personal choice ni Francine Prieto na huwag tumanggap ng mga acting assignment noong kasagsagan ng pandemya dahil nagkaroon siya ng anxiety attacks, kaya ayaw niyang magbigay ng problema sa kanyang mga makakatrabaho.

Francine Prieto

Kung paano niya nalampasan ang pinagdaanang pagsubok at ang kanyang buhay ngayon ang ilan sa mga naikuwento ni Francine nang makipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files ngayong Linggo ng hapon, March 27, habang nasa lock-in taping siya sa Binangonan, Rizal para sa First Lady, ang top-rating primetime romance drama comedy series ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Since nagkaroon ng pandemic, for more than one year, hindi ako tumatanggap ng taping dahil nagkaroon ako ng matinding anxiety at alam kong hindi ko magagawa nang maayos ang trabaho ko, ayokong maging pabigat sa set.

“Hanggang sa one time, nag-meditate ako and asked na ilagay ako sa tamang path. The next day, naka-receive ako ng tawag for First Lady, 'tapos lock-in pa nga raw.

“Inisip ko na kung tatanggihan ko pa ito, baka makarma na ako at hindi na makatanggap ng kahit anong blessings,” pagtatapat ni Francine sa Cabinet Files tungkol sa desisyon niyang balikan ang pag-arte matapos ang matagal na pagpapahinga.

“Unang lock-in taping ko for First Lady, almost one month. Then, itong second lock-in ay two months at magkakaroon pa ng third lock-in ang show namin dahil na-extend siya. Salamat sa suporta ng fans ng First Yaya at First Lady, and of course, sa bosses at Entertainment group ng GMA-7.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula noong January 30, 2022 ang lock-in taping ni Francine para sa second cycle ng First Lady at inaasahan na matatapos ito sa April 1, 2022.

Dahil sa matagal na lock-in taping, ang mga pinagkakaabalahan ni Francine kapag day-off nila ang kinumusta namin sa kanya.

Kuwento niya, “Nasa loob lang ako ng room talaga most of the time. Marami rin kasi kaming rules na dapat sundin, dahil naka-bubble kami.

“At siyempre, yung hotel kung saan kami naka-stay, may other guests din kaya bawal talaga kaming lumabas. Limited lang ang puwedeng gawin sa labas at kailangan na magpaalam sa production staff.

“May isa akong dalang luggage na ang laman lang ay mga bagay na nagpapasaya sa akin like books, crystals and incense.

“Nanonood din ako ng mga series sa Netflix or mga funny content sa YouTube at TikTok.”

May na-miss ba siya sa outside world habang nasa lock-in taping?

“Nami-miss ko talaga yung tatlong fur babies ko, lalo na yung pusa kong si Jupiter. Sobrang sweet at nakakaaliw siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Na-miss ko rin ang husband ko, si Frank [Shotkoski]. Palagi naman kaming nagbi-video call at binubuhos ko sa kanya yung lungkot ko dito. Buti na lang, napaka-understanding at supportive ng husband ko,” sagot ni Francine na sinundan nito ng malakas na tawa.

Kung may negatibong epekto kay Francine ang pandemya dahil nagkaroon siya ng anxiety attacks, may positive effects din pala ang global health crisis dahil sa mga natuklasan niya para sa ikauunlad ng kanyang pagkatao.

Pag-amin niya, “Na-discover ko na kung end of the world na, hindi ako makaka-survive. Isa ako sa mga unang mamamatay dahil ang dami kong hindi kayang gawin, like hanggang ngayon, mapili pa rin ako sa food.

“Buti na lang, may feeding program ang asawa ko, kaya nakakabili ako ng gusto kong pagkain. Hahaha!

“At dahil nagbalik ako sa pag-aartista, marami akong napansin na flaws sa mukha at katawan ko na dati naman na wala sa akin. Hindi ko siya nakikita na problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naging conscious tuloy ako kaya kailangan ko ng matinding beautification project. Tanggap ko naman ang aging, hindi ako takot tumanda pero 40 pa lang ako. Kailangan ko na mas lalong alagaan ang sarili ko at huwag lang magpabaya.”

Sa tunay na buhay, isa si Francine sa mga artistang matalino, witty at nakakatawa, ilan sa mga katangiang natuklasan ng kanyang mga co-star sa First Lady.

Intimidating o malakas ang dating ni Francine sa mga taong hindi siya gaanong kakilala dahil sa mestiza features niya, pero natural comedienne siya at madaling makagaanan ng loob.

Pahabol niya, “Sa co-stars ko, si Samantha Lopez ang malakas tumawa sa mga hirit ko. Tawang-tawa siya sa akin. Siya ang madalas na nakakasama ko.

“Alam mo naman ako, nasa isang tabi lang at hindi nagsasalita. Pero once maging friends tayo, madaldal na ako at malalaman mo na sira-ulo pala ako. Hahaha!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Francine Prieto, minabuting mag-leave muna from showbiz noong kasagsagan ng pandemya: “Since nagkaroon ng pandemic, for more than one year, hindi ako tumatanggap ng taping dahil nagkaroon ako ng matinding anxiety at alam kong hindi ko magagawa nang maayos ang trabaho ko, ayokong maging pabigat sa set."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results