Shoe designer Jojo Bragais, may parinig sa di pag-acknowledge sa kanya sa wax figure ni Catriona Gray

by Jojo Gabinete
Mar 31, 2022
catriona gray, jojo bragais
“You don’t have to like me, but at least give the respect…” posts shoe designer Jojo Bragais (right) alluding to the wax figure of Miss Universe 2018 Catriona Gray.
PHOTO/S: Instagram

Ang popular Filipino shoe designer na si Jojo Bragais ang gumawa ng iconic shoes na ginamit ni Catriona Gray nang manalo ito sa 67th Miss Universe na ginanap sa Bangkok, Thailand, noong December 17, 2018.

Read: Catriona Gray is Miss Universe 2018!

Si Catriona ang pangatlong Pilipino na ginawan ng wax figure ng Madame Tussauds. Nauna si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at sinundan ito ng boxing champ at senador na si Manny Pacquiao.

Naganap sa Singapore kahapon, March 30, 2022, ang unveiling ng wax figure ni Catriona na personal na dinaluhan ng former Miss Universe.

Kopyang-kopya ng mga magagaling na wax sculpture artist ng Madame Tussauds ang hitsura ni Catriona, mula ulo hanggang sa suot na sapatos, nang koronahan ito bilang Miss Universe noong 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam ng Filipino beauty pageant fans na si Bragais ang lumikha ng Miss Universe shoes ni Catriona kaya ipinagtataka nilang hindi binigyan ng nararapat na kredito ang kilalang shoe designer.

Lalong nagkaroon ng isyu dahil sa Facebook post ni Bragais nitong Huwebes ng hapon, March 31, na tila patungkol sa naganap na unveiling ng wax figure ni Catriona na tinulungan at sinuportahan niya nang sumali at manalo sa 55th Binibining Pilipinas noong March 18, 2018.

“You don’t have to like me, but at least give the respect…” intriguing Facebook post ni Bragais na may hashtag na #waxIn #waxOut.

jojo bragais post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang nagulat sa Facebook post ni Bragais dahil hindi siya ang tipo ng tao na ginagamit ang kanyang social media account para maglabas ng mga hinaing.

May mga naniniwala at nauunawaan ang malalim na pinanggagalingan ng bugso ng damdamin ni Bragais.

Kumpirmado na si Bragais ang gumawa ng sapatos na ginamit ni Catriona nang magwagi itong Miss Universe noong 2018.

Ang Bragais shoes ang suot ng wax figure ni Catriona, pero wala ni isa man sa mga tauhan ng Madame Tussauds ang humingi ng permiso mula kay Jojo para magamit nila ang sapatos.

Para sa mga nakikisimpatiya sa Filipino shoe designer na kilala na rin sa international scene, hindi kalabisang ibigay sa kanya ang kaukulang respeto at kredito dahil siya ang lumikha ng sapatos na kinopya at ginamit ng Madame Tussauds para sa wax figure ni Catriona.

Hindi rin binabanggit ni Catriona ang pangalan ni Bragais sa mga taong pinasalamatan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“You don’t have to like me, but at least give the respect…” posts shoe designer Jojo Bragais (right) alluding to the wax figure of Miss Universe 2018 Catriona Gray.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results