PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Amy Austria ibabahagi ang kanyang nakaraan bilang drug addict

"Six years, ganoon ang buhay ko."
by Jojo Gabinete
Published Apr 1, 2022
amy austria drug addiction
Bahagi ng testimonya ni Amy Austria: "Kapag nakatira ako, hindi ko naaalala yung mga problema. Nakakalimutan ko yung mga nangyayari. Pag lumipas na yung tama, mas grabe yung depression at lungkot na nararamdaman ko. Six years, ganoon ang buhay ko."
PHOTO/S: Screen grab from Amy Ventura YouTube

Napapanahon sa paparating na Semana Santa ang testimonya ng multi-awarded actress na si Amy Austria tungkol sa anim na taong pagkakalulong niya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Matagumpay itong nalampasan ni Amy dahil isinuko niya ang lahat sa Panginoong Diyos.

Tiyak na kapupulutan ng mga aral ang mga pagtatapat ni Amy tungkol sa kanyang mga karanasan at magiging inspirasyon siya ng mga tao na naliligaw ng landas dahil sa paggamit ng illegal drugs.

Bahagi ng testimonya ng aktres: “Addict ako. Lulong ako.

"Kapag nakatira ako, hindi ko naaalala yung mga problema. Nakakalimutan ko yung mga nangyayari.

“Pag lumipas na yung tama, mas grabe yung depression at lungkot na nararamdaman ko.

"Six years, ganoon ang buhay ko.

"I’ve been trying to stop. Gusto ko itigil pero hindi ko kaya."

Dahil sa pagkakalulong noon ni Amy sa hindi magandang bisyo, nagbigay siya ng problema sa mga katrabaho niya. Pero napatunayan pa rin niya ang pagiging isa sa pinakamagagaling na aktres sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Amy ang itinanghal na best actress sa Gabi ng Parangal ng 14th Metro Manila Film Festival noong 1988 dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang Celestina "Bubbles" Sanchez sa pelikulang Celestina Sanchez Alyas Bubbles/Enforcer: Ativan Gang.

bubbles ativan gang

Si Amy ang nanalo kahit ibang tao ang nag-dub sa mga linya ng kanyang karakter. Hindi siya sumipot sa dubbing ng pelikula kaya nagtampo sina Carlo Caparas at Donna Villa ng Golden Lion Films, ang producer ng Ativan Gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumanggap din si Amy ng mga acting nomination mula sa ibang award-giving bodies dahil sa kanyang outstanding performance bilang Bubbles, ang tomboy na headline noon ng mga balita sa mga pahayagan, radyo, at telebisyon.

Si Bubbles ang ang lider ng Ativan Gang, ang grupo na kinakaibigan at ninanakawan ang mga turistang lalake na nakakatulog dahil sa gamot (Ativan) na inihahalo nila sa inumin ng mga biktima.

Mapapanood ang kabuuan ng pagtatapat ni Amy tungkol sa dating bisyo nito sa April 5 sa pamamagitan ng Amy Ventura, ang YouTube channel na binuksan niya para makatulong sa pagpapalaganap ng mga salita ng Panginoong Diyos at makapagbigay ng pag-asa sa mga taong tinatakasan ang problema sa pamamagitan ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Pahayag ni Amy, “Ang purpose ng channel ay para sabay-sabay nating alamin ang pag-asa na regalo ng Panginoong Diyos.

“Ang pagkakaintindi natin sa salitang hope o pag-asa ay puwedeng mangyari o hindi yung mga bagay na inaasahan natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero po sa salita ng Diyos, ang hope o pag-asa ay one hundred percent na mangyayari yung inaasahan natin dahil ang tunay na pag-asa ay nakasalalay sa ating Diyos."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bahagi ng testimonya ni Amy Austria: "Kapag nakatira ako, hindi ko naaalala yung mga problema. Nakakalimutan ko yung mga nangyayari. Pag lumipas na yung tama, mas grabe yung depression at lungkot na nararamdaman ko. Six years, ganoon ang buhay ko."
PHOTO/S: Screen grab from Amy Ventura YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results