Watch Now

Ilusyunadang aktres, nag-request ng bodyguards kahit walang audience sa TV special na dinaluhan

by Jojo Gabinete
Apr 3, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nagkaroon ng ilusyon ang isang aktres na big star na siya dahil sa mga pelikulang kanyang pinagbidahan, kahit nalugi ang mga producer ng mga proyekto niya.

Naging mapili rin ang aktres sa pagtanggap ng mga acting assignment kaya hindi na siya nagkakaroon ng mga TV show.

Pero isang TV special ang hindi natanggihan ng aktres dahil bukod sa sandali lang ang trabaho, malaki ang talent fee na ibabayad sa kanya.

At dahil naniniwala nga ang aktres na sikat na ito, may mga kundisyon siyang hiningi bago niya tinanggap ang TV special.

Ang numero uno sa listahan ng mga kahilingan ng aktres ay bigyan siya ng bodyguards dahil natatakot itong pagkaguluhan ng fans.

Ikinuwento ng aktres ang pagdumog umanong ginawa sa kanya ng mga tagahanga niya nang pumunta siya sa isang TV network.

Sinabi ng aktres na nasaktan siya kaya importanteng napapaligiran siya ng mga bodyguard pagdating niya sa set ng TV special para hindi na maulit ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nawalan ng gana sa aktres ang mga taong nakapaligid sa kanya dahil nakumpirma nilang nag-iilusyon lamang siya.

Hindi pulido ang kuwento na inimbento ng aktres dahil nakalimutan nitong panahon ng pandemya nang magsadya siya sa TV network na kanyang tinutukoy.

Piling-pili ang mga empleyadong pinapapasok ng TV network management sa loob ng studio bilang pag-iingat laban sa pandemya. Matagal na ring hindi tumatanggap ng fans o studio audience (mula pa noong March 2020 hanggang ngayon) ang mga TV station.

Kaya napatunayan ng mga kaibigan nga aktres na produkto lamang ng kanyang imahinasyon ang mga kuwento niya.

Napansin ng mga malalapit sa aktres na habang tumatagal, lalong tumitindi ang pagiging ilusyonada niya kaya dumidistansiya na sila nang dahan-dahan dito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results