Watch Now

Candy Pangilinan, hindi naniniwala sa oversharing sa YouTube

by Jojo Gabinete
Apr 3, 2022
wala pa kaming title
Celebrity friends Carmina Villarroel, Gelli de Belen, Candy Pangilinan, and Janice de Belen collaborate for tgeir own podcast show, Wala Pa Kaming Title.

Mapapanood sa YouTube channel ni Candy Pangilinan at ni Quentin, ang anak ng comedienne na may mga espesyal na pangangailangan, ang mga nangyayari sa kanilang mga personal na buhay.

May 1.2 million subscribers ang YouTube channel ng mag-ina at umaabot sa halos sa limang milyon ang views sa bawat content na kinaaaliwan ng netizens.

Pero hindi naniniwala si Candy na mas marami ang mga nagmamahal sa kanila kapag higit na marami ang mga karanasang ibinabahagi nila ni Quentin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Candy, “I don’t think the more you share, the more na mahal ka ng mga tao.

"I think, the more you’re sincere and the more you are raw, the rawness and the sincerity will be seen in your posts.

"Yun ang nakikita ng mga tao kasi nakikita naman ng mga tao kung fake na yung sine-share mo, kung hindi na totoo.

"It’s not about oversharing or anything. It’s more about being genuine, being sincere, being yourself.

"I think dun ka mas mamahalin ng mga tao. Your sincerity will be the one to touch the hearts [of the people]."

Masuwerte si Candy dahil mga positibo ang lahat ng mga komento sa mga content na ginagawa nila ni Quentin at kapupulutan ng mga aral.

PODCAST SHOW

Bukod sa YouTube channel nila ni Quentin, sumabak na rin si Candy sa podcast na may pamagat na "Wala Pa Kaming Title" na napapakinggan sa Spotify tuwing Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Candy sa podcast ang kanyang matatalik na kaibigan na si Carmina Villarroel at ang magkapatid na Janice at Gelli de Belen.

Si Candy ang naging instrumento para magkaroon ng katuparan ang podcast na nabuo nang abutin ng malakas na bagyo ang kanilang “summer outing” dahil siya ang nagsabi sa kanyang mga kaibigan tungkol sa podcast offer ng Oomph Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May plano kaming magko-collab so nag-summer outing kami, kasama namin si Quentin, tapos binagyo kami.

"Sabi nila, 'Let's sit down and have a meeting,' so dun nagsimula.

“Ngayon, ang problema namin, kung paano kami magsasama-sama,” lahad ni Candy.

May kanya-kanyang mga trabaho ang apat at may mga lock-in taping ang iba sa kanila.

Pero nagkaroon ng solusyon ang problema nila dahil nakakabuo sila ng mga episode sa tulong ng Zoom, ang sikat na online video meeting platform.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity friends Carmina Villarroel, Gelli de Belen, Candy Pangilinan, and Janice de Belen collaborate for tgeir own podcast show, Wala Pa Kaming Title.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results