Watch Now

McCoy de Leon, inilarawan ang partner na si Elisse Joson bilang "sobrang perfect"

by Jojo Gabinete
Apr 4, 2022
mccoy de leon elisse joson
McCoy de Leon: "Sobrang perfect si Elisse para sa naging anak namin kaya thankful ako kay Lord. Sabi ko nga kagabi, nagdadasal ako, thankful ako kasi meron akong pamilya katulad... meron akong girlfriend na tulad ni Elisse at may anak ako na katulad ni Felize.”
PHOTO/S: Vivamax / Instagram

Gaya ng pamagat ng pelikula nila ng kanyang real-life partner na si Elisse Joson, nagsalita nang tapos si McCoy de Leon na panghabambuhay na ang kanilang relasyon.

“Yes! Siyempre, panghabang buhay na ito kasi wala, e…

"Kagabi nga lang, nagpapasalamat ako sa Diyos kasi may trabaho ako, meron akong masayang pamilya, kaya sobrang kuntento ako sa buhay ko ngayon.

"Sobrang happy,” sagot ni McCoy nang tanungin siya sa digital media conference ng Habangbuhay kung pang-habambuhay na ang pagmamahalan nila ni Elisse.

Read: McLisse: The Love Story of Elisse Joson and McCoy de Leon

Ayon kay McCoy, walang ipinagbago ang ugali ni Elisee noong dalaga pa ito at ngayong may anak na sila.

Saad ng aktor, “Si Elisse, gusto niya lahat best for her family. Gusto niya lahat mabigyan ng kasiyahan, mabigyan ng time. Ayaw niya na may nale-left behind.

“Same Elisse na nakita ko as girlfriend ko, ngayon as a mother. Ibang-iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung makikita niyo lang sa pictures, laging nagpo-photo shoot ‘yan, mga damit niya sosyal.

"Pero pag nasa bahay, mas nakikita ko na yung priority niya, kay Felize, sa anak namin.

"Kumbaga, wala akong masasabing kulang, wala rin akong masasabing sobra.

"Sobrang perfect si Elisse para sa naging anak namin kaya thankful ako kay Lord.

“Sabi ko nga kagabi, nagdadasal ako, thankful ako kasi meron akong pamilya katulad... meron akong girlfriend na tulad ni Elisse at may anak ako na katulad ni Felize.”

Kasal na lamang ang kulang sa maganda at maayos na pagsasama nina McCoy at Elisse kaya ang pagpapakasal nila ang madalas na itinatanong ng halos lahat ng mga taong kanilang nakakasalamuha.

Dahil siya ang lalake, si McCoy ang nagkusang sumagot tungkol sa wedding plans nila ng kanyang live-in partner.

“Laging tinatanong sa amin ‘yan ng mga kamag-anak namin, ng mga nakakasalubong lang namin.

“Hindi naman pressure, pero alam namin sa sarili namin na merong time na malalaman na lang namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre sa akin manggagaling. Ang masasabi ko lang for now, gusto namin na i-explore pa yung bawat side namin.

“Marami pa kaming nae-explore ngayon. Marami pang mga kakaibang malalaman sa bawat isa kaya nandoon kami.

"Ayaw namin biglain, ayaw namin madaliin."

Ang Habangbuhay ang original movie ng Vivamax na ginawa nina McCoy at Elisse matapos ang pag-amin nilang may anak na sila noong October 2021.

Magsisimula ang streaming ng Habangbuhay sa Vivamax sa April 22.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon: "Sobrang perfect si Elisse para sa naging anak namin kaya thankful ako kay Lord. Sabi ko nga kagabi, nagdadasal ako, thankful ako kasi meron akong pamilya katulad... meron akong girlfriend na tulad ni Elisse at may anak ako na katulad ni Felize.”
PHOTO/S: Vivamax / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results