Watch Now

Elisse Joson at McCoy de Leon, nailang sa intimate scenes sa bago nilang pelikula

by Jojo Gabinete
Apr 5, 2022
McLisse, Elisse Joson, McCoy de Leon
PHOTO/S: Habangbuhay

Ang Habangbuhay ang unang pelikula na ginawa nina McCoy de Leon at Elisse Joson matapos ang pag-amin nila sa publiko noong October 2021 tungkol sa pagkakaroon nila ng anak.

READ: Elisse Joson, McCoy de Leon are now parents to a baby girl

Inilahad ni Elisse na isinaalang-alang nila ni McCoy ang kapakanan ng anak na si Felize bago tinanggap ang proyekto.

Sina McCoy at Elisse, na produkto ng Pinoy Big Brother Lucky 7, ay kilala rin sa uniname na McLisse.

"Ang haba po ng process before we’re able to do this film because we have to consider we have a baby, and also the work circumstances, pandemic tapos may baby kami na kasama.

"Ito yung unang film na ginawa namin after we told everybody that we have a child.

"Tatanggapin ba namin? Kasi itong movie na ito ay about young love, coming of age story so baka hindi bumagay.

"Yun ang inisip namin, but we decided to go for it," ang sabi ni Elisse sa digital media conference ng Habangbuhay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga intimate scene ang dalawa sa romantic-drama film, at aminado sila na iba kapag umaarte sa harap ng camera.

Lahad pa ni Elisse, "At first, it’s awkward kahit we’re a couple.

"So it really helped that we had a very comfortable set and environment, the people that we were with.

"Pero masaya. Actually, nag-enjoy ako."

Mclisse

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi rin ni Elisse na may mga eksena sa Habangbuhay na pinagdaanan nila ni McCoy sa tunay na buhay.

“Yung journey na pinagdaanan ng characters namin, meron kaming phase na pinagdaanan na somewhat similar.

"Kaya nung binalikan ko, particularly yung pinagdaanan na ‘yon, ang sakit," pag-amin niya.

Si Real Florido ang direktor ng Habangbuhay.

Puring-puri niya ang mga pagganap na ipinakita nina McCoy at Elisse sa proyekto. Tinawag din ng director si Elisse na "next Bea Alonzo" pagdaing sa pag-arte.

"I would say Elisse, maybe, is your next Bea Alonzo. I mean, that’s how good she is.

"Pero magugulat din kayo kay McCoy, kung gaano kalaki yung range na kaya niyang ibigay.

"Itong dalawang young actors na ito, mahaba pa ‘yung tatakbuhin ng career nila.

"I’m not overpatronizing the project, but sobrang happy ako that I got them as the main actors in Habangbuhay," pagmamalaki ni Florido.

Ang Habangbuhay ay ipapalabas sa Vivamax sa April 22, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mclisse

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Habangbuhay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results