Watch Now

Mga gown ni Lani Misalucha sa concert tour niya sa Amerika, ninakaw

by Jojo Gabinete
Apr 6, 2022
lani misalucha
Anim na damit ni Lani Misalucha, kabilang ang embellished couture gowns ng gawa ni Oliver Tolentino na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar, ang tinangay ng magnanakaw.
PHOTO/S: @theolivertolentino on Instagram

Ninakaw ang lahat ng mga damit na gawa ng Hollywood fashion designer na si Oliver Tolentino na ginagamit ni Lani Misalucha para sa Timeless Seasons, ang concert tour nila ni Nonoy Zuñiga sa Amerika.

Nangyari ang insidente noong Linggo, April 3, 2022, matapos ang sold-out concert nina Lani at Nonoy sa Pala Casino Spa Resort sa Pala, California.

Pabalik si Lani at ang kanyang asawang si Noli sa Las Vegas nang maisipan nilang kumain sa isang restaurant.

Naiwan sa loob ng kotse ang mga damit ni Lani para sa concert at matapos kumain, saka nila natuklasan na basag ang bintana ng likod ng kanilang sasakyan at wala na ang ilang mga kagamitan, pati ang mga damit na nilikha ni Tolentino para sa singer.

lani misalucha car

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anim na damit, kabilang ang mga embellished couture gowns ni Tolentino na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar, ang tinangay ng magnanakaw.

Nalungkot si Tolentino nang malaman niya ang nangyari pero nagpapasalamat siya dahil hindi nasaktan ang mag-asawa.

“I’m just glad that no one was hurt in the theft and that Lani and her husband Noli are safe. Clothes are replaceable.

“At least Lani was able to use the clothes for all of the tour except for one remaining show. I watched her performance and she looked beautiful in the clothes and sang beautifully,” sabi ni Tolentino sa pahayag na ipinadala niya sa Cabinet Files ngayong Miyerkules, April 6

oliver tolentino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oliver Tolentino

May isang concert pa sina Lani at Nonoy sa darating na Sabado, April 9, sa Bally’s Casino sa Atlantic City, New Jersey.

Nang malaman ni Tolentino na naghahanap si Lani ng mga damit na magagamit o marerentahan para sa concert sa New Jersey, gumawa agad siya ng gown at naghanap ng RTW dresses sa mga boutique sa Beverly Hills na maisusuot ng singer.

Ang insidenteng ito ang nagpapaalala sa amin ng pagsaklolo at pagtulong ni Tolentino kay Pia Wurtzbach nang sumali ito sa Miss Universe noong December 2015.

Hindi agad nakarating sa Las Vegas ang gown na gagamitin ni Pia para sa preliminary competition ng 64th Miss Universe kaya agad na ipinadala ni Tolentino ang red gown na ginawa niya, at malaking bahagi ng tagumpay ng Filipina beauty queen sa naturang beauty pageant.

pia wurtzbach gown

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anim na damit ni Lani Misalucha, kabilang ang embellished couture gowns ng gawa ni Oliver Tolentino na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar, ang tinangay ng magnanakaw.
PHOTO/S: @theolivertolentino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results