Watch Now

Direk Darryl Yap, nilinaw na hindi dahil sa fake news kaya may warning sa VinCentiments FB page

by Jojo Gabinete
Apr 7, 2022
darryl yap
Darryl Yap on Facebook warning on VinCentiments: “Pulitika po ‘yan. November 2021 pa lang, may ganyan na kami [warning from Facebook] pero ngayon lang sila nag-post at gumawa ng kuwento."
PHOTO/S: Facebook

May paglilinaw ang controversial director na si Darryl Yap sa babala na inilabas ng Facebook administrator(s) tungkol sa VinCentiments, ang viral at verified Facebook page ng independent theater group na SaWakas.

Si Darryl ang nagtayo at bumuo ng Facebook page ng VinCentiments.

Siya rin ang may idea at nagsulat ng lahat ng mga makikita, mababasa, at mapapanood sa VinCentiments, na kontrobersiyal ngayon dahil lumabag umano ito sa mga panuntunan ng Facebook.

Mismong ang Facebook administrators ang naglabas ng ganitong babala:

“This Page has shared posts that violate our Community Standards. Review posts on this Page before liking it.”

vincentiment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masugid na tagasuporta si Darryl ng presidential aspirant na si Ferdinand Marcos Jr.

Siya ang may-likha ng lahat ng viral "Lenlen" satire videos na patungkol sa mahigpit na katunggali ni Marcos na si Vice President Leni Robredo.

Naniniwala si Darryl na may kinalaman ang pulitika kaya inireklamo sa mga namamahala ng Facebook ang mga content ng VinCentiments.

Pero ang babala raw ng Facebook sa Vincentiment ay walang kinalaman sa "fake news" kundi sa sexy trailers ng ilang pelikula niya na nai-post dito.

Pahayag ng Marcos supporter na direktor, “Nakakatawa lang po na desperado na talaga ang mga tao na hindi makagawa ng pantapat na istorya sa Lenlen kaya gumagawa na lang ng istorya laban sa VinCentiments page at sa akin.

“Pulitika po ‘yan. November 2021 pa lang, may ganyan na kami [warning from Facebook] pero ngayon lang sila nag-post at gumawa ng kuwento."

Pahayag pa ni Darryl sa Cabinet Files, “Ito po ang findings ng Facebook, tungkol pa ito sa sexy trailers ng 69+1 at Sarap Mong Patayin, hindi tungkol sa fake news o ano pa man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung sa akin po na may violation about nudity, kahit hindi po ako pabor, wala naman po akong magagawa sa Facebook.

"Pero yung mag-iimbento sila na tungkol sa fake news ang dahilan, sila po ang fake news."

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 5.7 million followers ang verified VinCentiments Facebook page.

May mensahe rin si Darryl sa mga patuloy na nagre-report sa Facebook na nagpapalaganap umano ng fake news ang VinCentiments page.

“Sana content vs content [ang labanan] at huwag silang obvious na iyakin.

“Mag-pretend muna sila ngayon na strong dahil sa May 9 pa matatalo ang kanilang kandidato,” kampanteng sabi ng direktor.

Binabatikos ng mga tagasuporta ni Robredo si Darryl dahil sa kanyang pagiging sutil at pagtira sa kaisa-isang babaeng presidential candidate sa pamamagitan ng satire videos.

Ito ang paraan ng direktor upang sagutin ang mga batikos—kabilang na ang "magnanakaw" at "tax evader"—ang sinusuportahan niyang kandidato.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darryl Yap on Facebook warning on VinCentiments: “Pulitika po ‘yan. November 2021 pa lang, may ganyan na kami [warning from Facebook] pero ngayon lang sila nag-post at gumawa ng kuwento."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results