Live nang mapapanood ang Luv-Anne, ang comeback ni Anne Curtis sa “concert scene.”
Hudyat din ito ng kanyang pagbabalik sa showbiz mula nang magpahinga siya noong 2019 dahil ipinagbuntis niya ang anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia.
Ang original plan para sa Luv-Anne ay itatanghal ito sa Vivamax Plus sa April 30, 2022 sa pamamagitan ng streaming.
Read: Anne Curtis, magbabalik sa showbiz after more than two years
Pero nagkaroon ng malaking pagbabago dahil matapos ang matagal na pagmumuni-muni, pinili ni Anne na gawin ang isang live concert.
Magaganap ito sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa June 11, 2022, ang bisperas ng paggunita sa ika-124 na anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas,
Sa petsang iyon at tiyak na ring may bago nang halal na pangulo ang ating bansa.
Pahayag ni Anne sa kanyang Instagram post ngayong araw, April 8, “I really took my time to think long and hard about it and I’ve decided to go all out and celebrate to the fullest by finally seeing everyone in person!
“I miss the energy, the noise, the screams, of course singing and just seeing everyone smile. I’m so excited (and nervous) but let’s go and have a night of fun!”
Inaabangan na ng marami ang pagiging aktibo niya mula sa showbiz dahil matagal nang nangungulila sa kanya ang mga tagahanga niya.
Bukod sa Luv-Anne, may isang malaking proyekto na gagawin si Anne na muling susubok sa kanyang stamina at kakayahan bilang mahusay na aktres.