Watch Now

Cindy Miranda, aminadong tinatablan sa intimate scenes niya sa pelikula

by Jojo Gabinete
Apr 8, 2022
cindy miranda
Cindy Miranda on importance of personal hygiene before doing intimate scenes: “Kung anuman yung naaamoy, mga hindi magandang naaamoy, sana linisin na lang natin para maganda yung trabaho. Respeto yun sa lahat. Ayaw mo naman magkaisyu na mabaho ‘yan, may body odor ‘yan."
PHOTO/S: Instagram

Hindi nagbanggit si Cindy Miranda ng pangalan ng mga aktor na kanyang nakasama sa intimate scenes sa mga pelikula at original series na ginawa niya.

Pero nagpakatotoo ang dating beauty queen nang aminin nitong naapektuhan o tinablan siya sa mga love scene.

“Oo siyempre, tao lang naman tayo saka 'being' talaga ako as an actress. Talagang iniisip ko na nasa sitwasyon ako na ako talaga yung karakter,” walang patumpik-tumpik na deklarasyon ni Cindy sa digital media conference ng Iskandalo na naganap ngayong Biyernes ng gabi, April 8, 2022.

“Honestly, naaapektuhan ako, but we need to be professional. We need to realize na after that scene, hindi na tayo yung karakter na yun.

“May mga kanya-kanya tayong buhay, huwag na nating guluhin yung buhay ng ating co-actors.

"Yun ang palagi kong sinasabi ko sa sarili ko na I need to be professional."

Ikinuwento ni Cindy na may mga aktres na umiiyak sa tuwing gumagawa ng mga love scene dahil hindi ito madali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabanggit din niyang respeto sa kapwa artista ang pagiging malinis sa katawan ng kanyang mga nakakasama sa mga intimate scene.

Saad niya, "May ibang umiiyak sa love scenes kasi nakakatakot po talaga.

"Hindi man totoo yung ginagawa namin, very sensitive po yung mga ganyang bagay but, of course, sana yung lahat po make sure na mag-toothbrush.

Respeto yun sa ating mga co-actor. Kung anuman yung dapat nating linisin sa mga katawan, we know ourselves better than anyone else.

“Kung anuman yung naaamoy, mga hindi magandang naaamoy, sana linisin na lang natin para maganda yung trabaho.

"Respeto yun sa lahat. Ayaw mo naman magkaisyu na mabaho ‘yan, may body odor ‘yan."

Itinuturing ni Cindy na masuwerte ang sarili dahil malilinis at mababango ang kanyang mga nakakapareha.

“Lahat nagpapabango. Ang bango-bango nga po masyado.

"Nakakahiya. Makikita mo nga, nagma-mouthwash pa sa harap mo, parang they want you to know, 'Hey, nag-mouthwash ako!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ang worse lang, marami po ang weird pero wala akong mabahong nakaeksena ever.

“I think suwerte po ako na ang Viva they make sure naman na kapag may kapartner ka, alam nila ang dapat gawin."

Dagdag pa ni Cindy, “Ang feeling ko naman, yung mga PA [personal assistant] natin, they’re there to help everyone para maging maganda yung flow.

"You can tell naman po, before mag-start, kapag alam mong may mali. Puwedeng magsabi na, "Puwede bang mag-toothbrush o mag-mouthwash,' something like that…"

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cindy Miranda on importance of personal hygiene before doing intimate scenes: “Kung anuman yung naaamoy, mga hindi magandang naaamoy, sana linisin na lang natin para maganda yung trabaho. Respeto yun sa lahat. Ayaw mo naman magkaisyu na mabaho ‘yan, may body odor ‘yan."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results