Watch Now

Jamilla Obispo nagbahagi ng kanyang number one beauty secret

by Jojo Gabinete
Apr 9, 2022
Jamilla Obispo
Kayang-kayang makipagsabayan ng paseksihan ang dating PBB Teens housemate na si Jamilla Obispo sa kanyang co-stars sa Iskandalo.
PHOTO/S: @jamillaobispo11 Instagram / Vivamax PR

Hindi maipagkakaila na kung kailan nagkaedad, lalong gumanda at naging seksi ang former PBB Teen season 1 housemate na si Jamilla Obispo, kaya may mga nagtatanong tungkol sa kanyang beauty secrets.

Sa edad na 33, kayang-kaya pa ni Jamilla na makipagsabayan sa mga baguhang sexy star gaya nina AJ Raval, Angela Morena, at Ayanna Misola, co-stars niya sa Vivamax original series na Iskandalo.

Stars of Iskandalo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsisimula nang mag-streaming ang Iskandalo bukas, April 10 sa Vivamax.

Marami ang ginulat ni Jamilla dahil palaban ito sa paghuhubad sa mga eksena niya sa Mahjong Nights, Kinsenas Katapusan, at sa L na original series din ng Vivamax.

“Wow, thank you naman. Nakaka-flatter,” reaksyon ni Jamilla nang purihin ng entertainment writers sa Friday night digital media conference ng Iskandalo ang kanyang kagandahan at magandang hugis ng pangangatawan.

“Ang sikreto ko lang, happy ka lang palagi. Masaya ka lang kahit na medyo stressed ang buhay, kahit may mga problema. Idaan mo lang sa tawa, tawa ka lang kahit mukha ka nang luka-luka.

“And collagen, siyempre, number one iyon! Collagen, lumaklak kayo ng maraming collagen,” rebelasyon ni Jamilla tungkol sa mga beauty secret niya.

Nang tanungin tungkol sa pinakaiskandalosang bahagi ng katawan niya, ang kanyang dibdib ang mabilis na sagot ni Jamilla.

“Given na kasi yung boobs ko, may sariling calltime. Feeling ko, ito yung pinakaiskandalosa sa katawan ko kasi dito ako tinutukso ng friends ko. Mas malaki pa ito sa face ko…charot!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Iskandalo ang isa sa mga pinakamatinding original series project ni Jamilla.

Pinupuri naman ng kanyang mga katrabaho ang kabaitan at kababaang-loob ni Jamilla. Sabi naman nito, walang sinuman sa kanila ang “feeling star.”

“Iba yung vibe namin, kahit off cam, close pa rin. Walang paistaran, walang pa-diva-han, walang ganoong energy. You can feel na everyone is humble, very humble sila even though stars na talaga sila.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kayang-kayang makipagsabayan ng paseksihan ang dating PBB Teens housemate na si Jamilla Obispo sa kanyang co-stars sa Iskandalo.
PHOTO/S: @jamillaobispo11 Instagram / Vivamax PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results