Watch Now

Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, dadalo sa Miss Universe PH 2022 coronation night

by Jojo Gabinete
Apr 9, 2022
Harnaaz Sandhu
Hindi lang tatlo, kundi apat na Miss Universe queens ang dadalo sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2022, at isa na nga roon ang current Miss Universe winner na si Harnaaz Sandhu ng India.
PHOTO/S: Instagram: @missuniverseph / @harnaazsandhu_03

Apat at hindi lamang tatlo ang Miss Universe winners na magiging bahagi ng grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 na magaganap sa April 30 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Noong March 26, 2022, opisyal na ipinahayag ng Miss Universe Philippines Organization na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters ang hosts ng Miss Universe Philippines 2022 finals.

demi-leigh tebow, pia wurtzbach, iris mitinaere

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong April 9, Sabado, inanunsyo ng Miss Universe Philippines Organization na special guest ang reigning Miss Universe na si Harnaaz Kaur Sandhu ng India sa koronasyon ng successor ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

“A Uniquely Beautiful historic event in the making! Miss Universe 2021 Harnaaz Kaur Sandhu is one of our very special guests for the Miss Universe Philippines 2022 Finals on April 30, at the SM Mall of Asia Arena!

“The MUPH Organization would like to thank Mr. Luis Chavit Singson and Ms. Richelle Singson Michael for making this possible. The whole country is excited to welcome our Miss Universe flying on Air Beauty One,” ang official announcement ng Miss Universe Philippines Organization.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Harnaaz ang ikatlong kandidata mula sa India na nanalo ng Miss Universe crown noong December 13, 2021 sa Eilat, Israel.

Si Sushmita Sen ang kauna-unahang babae mula sa India na nagwagi bilang Miss Universe sa finals na ginanap noong May 21, 1994 sa Philippine International Convention Center, Pasay City, samantalang si Lara Dutta ang ikalawang Indian woman na kinoronahan na Miss Universe sa Nicosia, Cyprus noong May 12, 2000.

Si Harnaaz ang pangalawang Miss Universe winner mula sa India na bibisita sa Pilipinas, bilang nauna si Sushmita na itinuturing na pangalawang tahanan ang ating bansa dahil dito siya nanalo noong May 1994 at muling bumalik noong January 2017 para sa 65th Miss Universe na idinaos sa Mall of Asia Arena.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi lang tatlo, kundi apat na Miss Universe queens ang dadalo sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2022, at isa na nga roon ang current Miss Universe winner na si Harnaaz Sandhu ng India.
PHOTO/S: Instagram: @missuniverseph / @harnaazsandhu_03
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results