Watch Now

Arnell Ignacio, tanggal agad sa Masked Singer Pilipinas dahil sa galaw

by Jojo Gabinete
Apr 9, 2022
Arnell Ignacio
Bagama't na-miss ni Arnell Ignacio ang pagkanta sa TV, sandali lang niya itong nagawa dahil natanggal agad siya sa Masked Singer Pilipinas.
PHOTO/S: Screenshot from Masked Singer Pilipinas / File

Short-lived ang partisipasyon ng comedian at Overseas Workers Welfare Administrator [OWWA] Deputy administrator na si Arnell Ignacio sa Season 2 ng Masked Singer Pilipinas dahil siya ang nagpaalam ngayong Sabado ng gabi, April 9, 2022.

Ang maskara at costume ng dolphin ang ginamit ni Arnell nang kantahin nito ang "All of Me" ni John Legend at "dolphin na madalas ulamin sa pananghalian kung inyo lang mababalikan," ang ilan sa mga clue na ibinigay niya.

Tuwang-tuwa ang judge detective na si Aga Muhlach dahil siya ang nakahula sa katauhan ni Arnell sa likod ng dolphin mask.

Sa unang paglabas pa lamang ni Arnell sa entablado, nagsalita agad si Aga ng, “Yung galaw niya na yan, experienced na siya sa showbiz. Matagal na siya sa industriya. Sigurado ako.”

Hindi makapaniwala ang Masked Singer Pilipinas host na si Billy Crawford na sasali sa kanilang programa si Arnell dahil naglilingkod nga ito bilang deputy administrator ng OWWA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi kapani-paniwala talaga na gagawin mo itong Masked Singer kaya kami’y nagpapasalamat ngayon,” ang pahayag ni Billy.

“Actually, 2016 pa kasi ako nasa government, na-miss ko talaga ito. Masaya, e. Masaya.

"Paano ba yung botohan n’yo? Bakit ako natanggal?” ang ang sabi ni Arnell na nagtataka dahil siya ang tumanggap ng pinakamababang boto mula sa Masked Singer Pilipinas judge detectives na kinabibilangan nina Aga, Bayani Agbayani, Cristine Reyes, Kim Molina, at Matteo Guidicelli.

“Ang sabi ko sa staff, kung ilalagay mo yung mga kotse [bilang clue], mahuhulaan ni Aga yan dahil kasama ko yan, e,” reaksyon naman ni Arnell nang mahulaan ni Aga na siya ang nagtatago sa maskara ni Dolphin.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagama't na-miss ni Arnell Ignacio ang pagkanta sa TV, sandali lang niya itong nagawa dahil natanggal agad siya sa Masked Singer Pilipinas.
PHOTO/S: Screenshot from Masked Singer Pilipinas / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results