Watch Now

Ricci Rivero, pinag-"YES" si Andrea Brillantes sa harap ng publiko para maging girlfriend niya

by Jojo Gabinete
Apr 9, 2022
ricci rivero, andrea brillantes
Matapos manalo ang team niyang UP Maroons sa laro nito sa basketball laban sa FEU Tamaraws, nanalo muli si Ricci Rivero (kaliwa) nang masungkit ang "yes" ni Andrea Brillantes (kanang photo, naka-white) para maging boyfriend nito.

Naganap ngayong Sabado ng gabi ang UAAP basketball game sa pagitan ng UP Maroons at FEU Tamaraws.

Pero nagkaroon ito ng very romantic showbiz angle dahil spotted sa audience gallery ang young actress na si Andrea Brillantes.

Miyembro ng UP Maroons ang actor/basketball player na si Ricci Rivero at kumpirmado na ang laro niya ang sinusuportahan ni Andrea kaya namataan ito sa Mall of Asia Arena.

Pagkatapos ng laro, nagkaroon ng public announcement si Ricci na ikinakilig ng lahat ng mga tao sa loob ng arena dahil sa kagitingang ipinamalas ng 23-year-old player sa mismong pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan ngayong April 9.

“Thank you for coming today. I just want to ask Blythe [Andrea’s nickname] to be my girlfriend?” ang tanong ni Ricci habang may dalawang lalaki sa likod ni Andrea sa audience gallery na may hawak na T-shirts na may tatak na "YES" at "No."

Dumagundong ang malakas na hiyawan sa loob ng MOA Arena nang piliin at yakapin ni Andrea ang T-shirt na may tatak na "YES" na kumpirmasyon na tinatanggap niya ang alok ni Ricci na maging opisyal na ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kalayuan mula sa kinatatayuan ni Ricci ang puwesto ni Andrea at bawal bumaba ang audience sa kinaroroonan ng mga player.

Kaya bago pumunta sa dug out, isang malakas na “I love you!” ang isinigaw niya para sa kanyang girlfriend na maikukumpara sa eksena ng isang feel good love story movie.

Nagsimula noong nakaraang buwan ang balita na nagkakamabutihan ang dalawa dahil sa jersey na may numerong 25 na suot ni Andrea sa isang TikTok video nito.

Ang 25 ang jersey number ng basketball uniform ni Ricci na pansamantalang huminto sa pag-aartista para mag-concentrate sa kanyang basketball career.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos manalo ang team niyang UP Maroons sa laro nito sa basketball laban sa FEU Tamaraws, nanalo muli si Ricci Rivero (kaliwa) nang masungkit ang "yes" ni Andrea Brillantes (kanang photo, naka-white) para maging boyfriend nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results