Watch Now

Andrea Brillantes, first time sa UAAP, nagka-boyfriend pa!

by Jojo Gabinete
Apr 10, 2022
Andrea Brillantes, Ricci Rivero
Suot na ni Andrea Brillantes (kaliwa) ang T-shirt at hawak ang bulaklak na parehong galing kay Ricci Rivero (kanan) nang tanungin siya ng basketball player-actor ng, "be my girlfriend?"
PHOTO/S: @iamandrea_b Twitter / @ricciiirivero Instagram

Maligayang-maligaya ang actor at basketball player na si Ricci Rivero dahil opisyal na ang relasyon nila ng young actress na si Andrea Brillantes.

Ibinigay ni Andrea kay Ricci ang kanyang matamis na "oo" nang matapos kagabi, April 9, ang basketball game ng UP Maroons at ng FEU Tamaraws sa Mall of Asia Arena.

Sa harap ng basketball fans at gamit ang mikropono, umalingawngaw sa loob ng arena ang tanong ni Ricci na “ I just wanna ask Blythe to be my girlfriend?”

Video: Courtesy of Glenn Mark Salamat, Edited by Rommel Llanes.

Hindi nabigo si Ricci dahil pinili at niyakap ni Andrea ang black t-shirt na may tatak na YES na hawak ng isang lalake na nasa likod niya sa audience gallery ng arena.

Ilang oras matapos na maging opisyal ang kanilang relasyon, ginamit ni Ricci ang kanyang Twitter account para ibahagi sa lahat ang kaligayahan na nararamdaman niya.

“Got two wins today! Taken,” ang mga tweet ni Ricci dahil nagwagi ang kanyang UP Maroons team sa kanilang laro laban sa FEU Tamaraws at panalo siya sa puso ni Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginunita ng buong Pilipinas kahapon, April 9, ang Araw ng Kagitingan na espesyal na araw rin para kay Andrea dahil boyfriend na niya si Ricci.

“First time kong manood ng UAAP di ko inaasahang magkaka-boyfriend pa ako. Grabe naman ‘yun Lord!’ ang social media post ni Andrea na maligayang-maligaya dahil sa sorpresa na natanggap niya mula kay Ricci.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Suot ni Andrea ang black YES t-shirt at ang bulaklak na mula kay Ricci sa larawan na ibinahagi niya sa kanyang social media followers.

Hindi maipagkakaila na pinaghandaan ni Ricci ang girlfriend proposal niya kay Andrea.

Dahil tiniyak niya na masasaksihan ito ng kanyang mga manager na sina Dondon Monteverde at Charlie Dy na kapwa nagpunta sa Mall of Asia Arena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pati na si Mark Salamat, ang general manager ng Virtual Playground, ang talent management agency na nagmamahal sa sports at acting career ng 23-year-old basketball/ showbiz personality.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Suot na ni Andrea Brillantes (kaliwa) ang T-shirt at hawak ang bulaklak na parehong galing kay Ricci Rivero (kanan) nang tanungin siya ng basketball player-actor ng, "be my girlfriend?"
PHOTO/S: @iamandrea_b Twitter / @ricciiirivero Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results