Watch Now

Abdul Raman, napaiyak sa script ng Raising Mamay na tila hango sa kuwento ng inang na-stroke

by Jojo Gabinete
Apr 10, 2022
Abdul Raman
Starstruck Season 7 finalist Abdul Raman, ramdam ang kuwento ng Raising Mamay. Matapos magka-stroke ang kanyang ina, "...Ako na ang full-time na nag-aalaga sa kanya. Ako yung nag-ooras ng mga gamot niya. Ako yung nag-ooras ng mga pagkain niya, at lahat po iyan, very carefully ko inaral."

Isang mapagmahal na ina na nabaril kaya bumalik sa pagkabata at inalagaan ng anak ang role ni Ai-Ai delas Alas sa Raising Mamay.

Ito ang Kapuso afternoon drama series na mapapanood sa GMA-7 simula April 25, 2022.

Ang anak ni Ai-Ai ay ginagampanan ni Shayne Sava.

Ang love interest ni Shane ay ang Starstruck Season 7 finalist na si Abdul Raman.

Ai-Ai delas Alas
Shayne Sava

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tunay na buhay, naranasan ni Abdul na alagaan ang inang si Joyettes Geronimo Santos matapos ma-stroke ito noong July 2021.

Hindi ikinakaila ng young actor na nakaka-relate siya sa kuwento ng upcoming series ng Kapuso Network. Naging matinding pagsubok ang pinagdaanan ng kanyang pamilya noong nakaraang taon dahil sa kalagayan ng ina.

Abdul Raman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkuwento ni Abdul: “Nung nabasa ko pa lang po yung synopsis ng story ng Raising Mamay, sabi ko, parang story ng buhay ko ito.

“I just find that funny kasi almost everything I can relate to is there, from personally taking care of my mom sa hospital for a couple of weeks to personally financing a lot of my mom’s medical bills.

“Nung ibinalik na siya sa bahay, ako na ang full-time na nag-aalaga sa kanya. Ako yung nag-ooras ng mga gamot niya. Ako yung nag-ooras ng mga pagkain niya, at lahat po iyan, very carefully ko inaral.

"Minsan lang po ako nakapaghanap ng tulong sa ibang tao kasi, unang-una, hindi ko na po talaga kaya bayaran yung mga extra fees.

“I really had to do everything by myself. Siyempre, tumutulong din po ang mga kamag-anak ko, pero they were also fighting their own battles kasi po sila yung naghanap ng ways, utang from anyone they can, para lang po mabayaran ang hospital bills ni Mama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako po kasi yung in charge sa mga gamot and sa mga iba."

Ngayon ay unti-unti nang nakikita ni Abdul ang dahan-dahang paggaling ng ina, at isa ito sa mga ipinagpapasalamat niya.

“How’s she’s doing right now? Very, very well naman po ang improvement niya. She’s doing well, and I’m really, really happy na meron na pong magandang nangyayari sa Mama ko after what happened.

“As I’ve said, nung bagong hospitalization niya, I was really heartbroken, and I really felt bad for my mom. Nakita ko po talaga how it affected her, mentally and, especially, physically.

“Ngayon po, nakikita ko, nagkakalaman na po siya, nakakakain na po siya ng solid foods, and na-i-improve na po yung physicality niya. Yung boses niya po, unti-unti nang bumabalik—and, in general, we are all very happy.’’

Sa kabila ng unti-unting pagbuti ng kalusugan ng ina, hindi napigilan ni Abdul na mapaluha nang sabihin nitong nangungulila siya sa boses ng nanay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I just miss my mom. Miss ko na pong marinig ang boses niya kasi ang tagal na pong nawala ang boses niya.

“Miss ko na po na kumpleto kami, including my dad. I just want her back,’’ madamdamin niyang pag-amin.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Starstruck Season 7 finalist Abdul Raman, ramdam ang kuwento ng Raising Mamay. Matapos magka-stroke ang kanyang ina, "...Ako na ang full-time na nag-aalaga sa kanya. Ako yung nag-ooras ng mga gamot niya. Ako yung nag-ooras ng mga pagkain niya, at lahat po iyan, very carefully ko inaral."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results