Watch Now

Ai-Ai delas Alas, epektibo ang acting bilang inang isip-bata sa Raising Mamay

by Jojo Gabinete
Apr 11, 2022
ai-ai delas alas
Ai-Ai delas Alas, pinuri ng direktor ng Raising Mamay na si Don Michael Perez. Ayon kay Don, “Ang nakakatuwa kay Miss Ai, kapag nasa set kami, hindi siya bumibitaw, so kahit hindi take, kinakausap niya kami bilang bata dahil in character siya palagi,”
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram

Hindi nagkamali ng desisyon si Ai-Ai delas Alas na bumalik sa Pilipinas para maging bida ng Raising Mamay dahil pinuri nang husto ng entertainment press ang kanyang pagganap sa teaser ng upcoming drama series ng GMA-7.

Ai-Ai delas Alas
Shayne Sava

Ipinalabas ito sa digital media conference na naganap ngayong Linggo ng gabi, April 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuwang-tuwa si Ai-Ai nang marinig nito ang mga papuri ng entertainment writers sa akting na kanyang ipinamalas.

Pinasalamatan niya ang lahat, pati na ang direktor na si Don Michael Perez na nagkomento na hindi nito nakita sa Raising Mamay na Comedy Queen ni Ai-Ai dahil ang pagiging "Queen" ng aktres ang kanyang nasaksihan.

“Kaya niyang mag-shift from late 40-years old sa pagiging bata. Ang hirap noon dahil sobrang polarized yung spectrum na kailangan niyang gampanan.

“Ang nakakatuwa kay Miss Ai, kapag nasa set kami, hindi siya bumibitaw, so kahit hindi take, kinakausap niya kami bilang bata dahil in character siya palagi,” ang ilan sa mga papuri ni Don Michael kay Ai-Ai.

Naging effective si Ai-Ai sa pagganap bilang isang inang may isip ng pitong taong gulang na bata dahil nagkaroon siya ng immersion.

Sa pamamagitan ng Zoom, nakipag-usap at nakipagkuwentuhan si Ai-Ai sa mga bata kaya nakopya niya ang pagsasalita at pagkilos ng isang 7-year old girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki ang pasasalamat ni Ai-Ai sa GMA-7 dahil ipinagkatiwala sa kanya ang napakahirap at mapaghamon na papel ni Mamay.

Napakahalaga ng Raising Mamay kay Ai-Ai dahil pitong taon na ang nakalilipas mula nang bumalik siya sa GMA-7 noong April 16, 2015.

Naniniwala si Ai-Ai na masuwerte sa kanya ngayong 2022 ang numero siyete dahil bukod sa ipinagdiriwang niya ang ika-pitong anibersaryo bilang Kapuso sa April 16 [ 1+6= 7], ipalalabas sa April 25 [ 2+5=7] sa ganap na 3:25 pm ang Raising Mamay at may number 7 din ang kanyang edad sa kasalukuyan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas, pinuri ng direktor ng Raising Mamay na si Don Michael Perez. Ayon kay Don, “Ang nakakatuwa kay Miss Ai, kapag nasa set kami, hindi siya bumibitaw, so kahit hindi take, kinakausap niya kami bilang bata dahil in character siya palagi,”
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results