Watch Now

Angeli Pangilinan, binalaan ang trolls at bashers ng anak na si Gab Valenciano

by Jojo Gabinete
Apr 11, 2022
gab valenciano leni kiko
PHOTO/S: @gabvalenciano on Instagram

Kagaya ng maraming mapagmahal at protective na ina si Angeli Pangilinan-Valenciano, normal lamang masaktan siya sa mga bumabatikos sa kanilang mga anak nila ni Gary Valenciano.

Ginamit ni Angeli ang social media para bigyan ng babala ang mga taong patuloy na bumabatikos sa panganay na anak nila na si Gab Valenciano dahil sa buung-buong suporta nito sa kandidatura ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo at ng kanyang tiyo na si Kiko Pangilinan, na kumakandidatong vice president ngayong May 9, 2022 elections.

Bukod sa kanyang babala, ipinaalaala ni Angeli sa bashers ni Gab na ngayon pa lamang bumabawi ang kanyang anak mula sa pagkakaroon noon ng mental breakdown.

Read: Gab Valenciano opens up about suicide attempts

Paalala ni Angeli: “To trolls & insensitive netizens who are bashing my son @gabvalenciano for believing in the #LeniKiko tandem, it took years for him to bounce back from his mental breakdown some years back so I am warning u to please STOP YOUR CYBER BULLYING & bashing our son. God bless you.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

angeli pangilinan post

Labis na pinahahalagahan ni Gab ang pagmamahal at pagmamalasakit ni Angeli kaya ang social media rin ang ginamit niya para ipahayag ang kanyang pasasalamat at saloobin.

"Awww mama, love you. I am grateful that through the years, I have managed to gain the strength to overcome such negativity and hate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In all honesty, I am unbothered by the bashing. Let us continue to pray for them. That’s what Jesus would do," reaksiyon ni Gab.

gab valenciano post

Pero likas na pasaway ang bashers at insensitive citizens na inaakusahan ng kanyang ina dahil lalong nadagdagan at naging personal ang mga paghuhusga sa kanila.

Ang pagkukumpara sa pagsasayaw ni Gab sa campaign sortie nina Leni at Kiko sa mga dance number ni senatorial aspirant Harry Roque sa pangangampanya nito ang isa sa mga nakita naming matinding bashing laban sa anak nina Angeli at Gary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @gabvalenciano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results