Watch Now

Ina Feleo, pinag-iisipang magpa-tattoo kahit tutol ang inang si Laurice Guillen

by Jojo Gabinete
Apr 11, 2022
ina feleo
Ina Feleo sports a fake tattoo for her role in the upcoming Kapuso afternoon drama series, Raising Mamay.
PHOTO/S: @ina_feleo on Instagram

Maangas na kapatid ni Ai-Ai delas Alas ang karakter na ginagampanan ni Ina Feleo sa Raising Mamay, ang upcoming drama series ng GMA-7.

Para maging kapani-paniwala ang kanyang pagganap sa katauhan ni Malou, nilagyan ng mga tattoo ang katawan niya.

Sa tunay na buhay, may balak si Ina na magpalagay ng tattoo sa katawan pero ayaw pumayag ng kanyang ina, ang award-winning actress at direktor na si Laurice Guillen.

“Actually, pagkatapos ng show na 'to, parang gusto ko ngang magpa-tattoo. Pero si Mommy, ayaw na ayaw niya kasi ang feeling niya, kapag artista, dapat wala kang tattoo. Parang blank canvass.

“Pero iniisip ko talaga dahil parang may nadagdag sa akin nung nilagyan ako ng tattoo,” pahayag ni Ina sa digital media conference ng Raising Mamay na naganap noong Linggo ng gabi, April 10, 2022.

Iba’t ibang mga klase ng tattoo ang makikita sa katawan ni Ina para sa role nito sa afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa April 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw mahirap ilagay ang mga tattoo pero hindi siya makagamit ng sabon at lotion.

“As far as continuity is concerned, hindi naman siya mahirap. Parang tubig lang siya i-attach, mabilis.

"Kaya lang hindi ko siya puwedeng lagyan ng lotion. Hindi ko siya sinasabon.

“So, yun ang joke ko sa set, huwag kayong didikit sa side na ito kasi baka iba na yung 'smellany,' pero malaking tulong siya sa characterization ko.

"Kapag nakikita ko yung hitsura ko, ang feeling ko, ang angas ako!" natawang sabi ni Ina.

May mga hindi nakakaalam na ang multi-awarded actor na si Johnny Delgado, na sumakabilang-buhay noong November 19, 2009, ang tatay ni Ina.

Kung sakaling ituloy nito ang planong pagpapa-tattoo, tiniyak niyang may kinalaman ito sa kanyang ama.

“Siguro kung magpapalagay ako ng tattoo, I think it would be something na reminder kay Daddy.

"Hindi ko pa alam kung ano pero, definitely, somebody important to you or an important memory," pagtatapos na pananalita ni Ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puring-puri naman ni Ai-Ai si Ina dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang kontrabida sa Raising Mamay.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ina Feleo sports a fake tattoo for her role in the upcoming Kapuso afternoon drama series, Raising Mamay.
PHOTO/S: @ina_feleo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results