Watch Now

Anne Curtis, isinapubliko ang suporta kay Vice President Leni Robredo

by Jojo Gabinete
Apr 12, 2022
anne curtis
Anne Curtis posts a photo of a pink rose to symbolize her choice for president in the upcoming elections: "ang pangarap ko sa ating bansa ay magkaroon ng ilaw sa ating tahanan na tinatawag nating Pilipinas na gagabay, ipaglalaban, proprotektahan at mamahalin ito...mamahalin tayo..."
PHOTO/S: @annecurtissmith on Instagram

Isang araw matapos ideklara ni Piolo Pascual na ang kandidatura ni Leni Robredo bilang pangulo ng Pilipinas ang kanyang sinusuportahan para sa eleksyon sa May 9, 2022, isinapubliko ni Anne Curtis sa pamamagitan ng Instagram post na ang bise presidente rin ng bansa ang presidential aspirant na tinatangkilik niya.

Read: Piolo Pascual, Regine Velasquez declare all-out support for Leni Robredo

Ginamit ni Anne ang bulaklak ng rosas na tanim umano ng nanay niya bilang simbolo ng kanyang pagsuporta kay Robredo.

Bago kinumpirma ni Anne na si Roberdo ang presidente niya, nag-post siya sa kanyang social media pages ng Luv-Anne, ang pamagat ng comeback concert ng 37-year-old actress na magaganap sa June 11 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Pasay City.

“Hitting two birds with one stone” ang announcement ni Anne tungkol sa suporta nito kay Robredo dahil sa pagagamit niya ng hashtag na "Luv-AnneLeni" para mabanggit din ang titulo ng kanyang concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yan ang tawag sa rosas na ito. My mum planted this rose in her garden & how apt it is for this time... dahil ang pangarap ko sa ating bansa ay magkaroon ng ilaw sa ating tahanan na tinatawag nating Pilipinas na gagabay, ipaglalaban, proprotektahan at mamahalin ito...mamahalin tayo...

Kaya para sa akin, #KulayRosasAngBukas #LetLeniLead#LuvAnneLeni,” social media announcement ni Anne tungkol sa kanyang paniniwala na si Robredo ang karapat-dapat na susunod na pangulo ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Curtis posts a photo of a pink rose to symbolize her choice for president in the upcoming elections: "ang pangarap ko sa ating bansa ay magkaroon ng ilaw sa ating tahanan na tinatawag nating Pilipinas na gagabay, ipaglalaban, proprotektahan at mamahalin ito...mamahalin tayo..."
PHOTO/S: @annecurtissmith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results