Watch Now

Gary Estrada, uulit pa kaya pagkatapos maranasan ang lock-in taping?

by Jojo Gabinete
Apr 12, 2022
gary estrada
Gary Estrada on his fear about working with family members again: “Natatakot kasi ako. It’s too close to home para sa akin na makatrabaho sila. Kahit ang asawa ko, hindi ko kaya na katrabaho... Minsan ko lang sinubukan na makatrabaho ang asawa ko, nasaktan ko."
PHOTO/S: @garyejercito on Instagram

Ang kagustuhang maranasan ang lock-in taping ang pangunahing dahilan kaya tinanggap ni Gary Estrada ang Raising Mamay, ang upcoming afternoon drama series ng GMA-7.

Bilang artista, ayaw ni Gary na makalampas ang pagkakataong masubukan ang lock-in taping kaya nakita niya nang personal ang mga advantage at disadvantage nito.

Saad niya, “Gusto kong masubukan ang lock-in taping. I haven’t experienced it yet so I wanna try it.

"At least, masasabi ko na bilang artista, nakapasok ako sa lock-in taping.

"Ayokong malampasan yung oportunidad na yun dahil siguro, sa mga artista, isa ako sa mga hindi nakasubok ng lock-in taping.

"So, I’m curious, bakit hindi ko subukan?"

Patuloy ni Gary, "Mahirap dahil, unang-una, malayo ka sa pamilya mo.

"Pangalawa, there are rules na kailangan mong sundin na hindi natin nasubukan noong tayo ay nasa normal na proseso ng taping.

"But it’s good kasi kahit papaano, nakakapag-concentrate ka dahil lahat ng kailangan nandiyan. Parang nag-shooting ka katulad ng lumang estilo ng shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, kapag nag-location kayo, nandoon lahat, nandoon yung mga kailangan.

"Yun lang, ito yung pinakamatagal [na panahon] na nalayo ako sa pamilya ko. Medyo dumadapo na rin yung lungkot, dumadapo na yung lahat ng iniisip mo.

"May mga naiiwan kang gawain sa Manila, nandoon yung pamilya mo.

"Masaya naman na may kahalong kalungkutan."

Inamin ni Gary na na parang mahihirapan na siya kapag lock-in taping pa rin ang sistema ng susunod na project na iaalok sa kanya.

GARY ON WORKING WITH FAMILY MEMBERS

Nagsimula ang showbiz career ni Gary noong 1991, at mahal na mahal niya ang propesyong kanyang binabalik-balikan lalo na ngayong mga artista na rin ang mga miyembro ng pamilya nila.

“I miss this job,” sabi ni Gary.

“Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong mag-artista dahil yung aking anak, si Kiko Estrada, e, medyo nag-artista na rin at kahit papaano, nagkakaroon na rin ng pangalan.

Si Kiko ay anak ni Gary sa dati niyang karelasyong si Cheska Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ng aktor, “Yung anak ni Katherine [Gary’s sister], si Rob Gomez, very curious ako na balang-araw, nangangarap ako na makasama sana sila sa isang pelikula.

"Pero yun nga, parati akong inaalok na makasama sila."

Isiniwalat ni Gary ang nararamdamang takot kaya ayaw niyang makatrabaho ang kanyang pamilya.

“Natatakot kasi ako. It’s too close to home para sa akin na makatrabaho sila.

"Kahit ang asawa ko, hindi ko kaya na katrabaho," pagtukoy niya sa kanyang misis na si Bernadette Allyson.

"Hindi ko kaya umarte sa harapan nila. Kumbaga, gusto ko, lahat ng ipapakita ko sa kanila, e, totoo.

"Minsan ko lang sinubukan na makatrabaho ang asawa ko, nasaktan ko.

"Although our marriage is not that perfect, pero ‘yan ang iniiwasan ko, ang makasakit, lalo na kapag mahal mo ang iyong maybahay, natatakot ako. I don’t want her to have that impression.

"Minsan ko nang nagawa, ayoko nang maulit."

Hindi binanggit ni Gary ang proyektong tinutukoy niya na magkasama sila ng kanyang asawa na si Bernadette, pero may isang eksenang kailangang magwala siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging makatotohanan ang pag-arte ni Gary kaya hindi sinasadyang nasaktan niya si Bernadette na natulala umano dahil sa kanyang inasal, isang insidente na ayaw nang maulit ng 50-year-old actor.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gary Estrada on his fear about working with family members again: “Natatakot kasi ako. It’s too close to home para sa akin na makatrabaho sila. Kahit ang asawa ko, hindi ko kaya na katrabaho... Minsan ko lang sinubukan na makatrabaho ang asawa ko, nasaktan ko."
PHOTO/S: @garyejercito on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results