Watch Now

Alma Concepcion, halos tatlong dekadang may epilepsy; paano siya gumaling?

by Jojo Gabinete
Apr 14, 2022
Alma Concepcion
Alma Concepcion: "Yung mga sinabi ng doctors na forever na yung sakit ko, miraculously nawala one day dahil sa intimate relationship ko sa Diyos."
PHOTO/S: @alma.concepcion Instagram

Dati nang malakas ang pananampalataya ni Alma Concepcion sa Panginoong Diyos, pero lalong tumatag ang kanyang pananalig nang magkaroon ng coronavirus pandemic dahil sa mga aral na natutunan niya.

Ipinagtapat din ni Alma ang mga milagrong nangyari sa buhay niya na kaloob ng Poong Maykapal.

"Pataas naman ang faith ko palagi lalo na nitong dumaan na pandemic dahil talagang Siya lamang ang makakapitan natin," pahayag ni Alma sa Cabinet Files.

Nakapanayam ng Cabinet Files si Alma nitong Huwebes Santo, April 14, 2022, habang papunta siya ng kanyang pamilya sa Batangas para sa kanilang Holy Week vacation.

Patuloy niya: "Hindi ko bibitawan ang mga natutunan ko sa pandemic. Even before the pandemic, puspos ang kapit ko sa Kanya.

"Bonus na talaga ang buhay ko ngayon kasi almost three decades din ako na under medication for epilepsy.

"Sobrang miracle na medicine-free na ako for more than a decade na.

"Plus miracle din na biyayaan ako ng isang anak na halos imposible sa mga taong tulad ko na may seizure disorder noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya I’m rejoicing every day and giving thanks sa lahat-lahat ng ipinagkakaloob Niya sa akin."

AMNESIA FOR TWO WEEKS

Ano ang pinakamatinding epilepsy attack na naranasan niya?

Sagot ni Alma: "Lahat naman ng seizures ko malala since bata pa ako.

"Nagkaroon ako ng amnesia at two weeks bago bumalik ang memory ko kaya may trauma ako.

"I developed panic attacks when I was in my late 20s, pero nawala na lang nung naging medicine-free ako.

"One time lang ako nag-seizure sa set ng Nanggigigil Ako Sa Iyong Kagandahan, yung movie namin ni Ogie Alcasid noong 1998.

"Paggising ko, nasa ospital na ako. Ang hirap nang ganoon," kuwento ni Alma.

Nagkaroon si Alma ng epilepsy noong walong taon ang kanyang edad, at isang malaking palaisipan sa pamilya niya kung bakit siya nagkasakit noon.

ON HAVING AN INTIMATE RELATIONSHIP WITH GOD

Inihinto ni Alma ang pag-inom ng gamot para sa epilepsy nang lumalim ang kanyang pananalig sa Diyos at nang subukan niya ang gluten-free diet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Napansin ko na hindi ko na kailangan ng gamot nang tumaas na yung intimacy ko with Him, tapos I rejoice and play Christian songs daily, and then when I stopped eating foods with gluten," saad niya.

Ito rin daw ang maipapayo niya sa ibang dumaranas ng epilepsy.

"I suggest to have a gluten-free diet and I do 15,000 steps a day para tuluy-tuloy ang maayos na kalusugan ko.

"Siyempre, nothing is impossible when you pray so dapat always check your spiritual tank. Dapat laging puno.

"Importante to have intimacy with Him throughout the day, quiet time with Him, reading His words as often as possible.

"Yung intimacy naman, hindi makukuha sa church pero nakakatulong. Yung intimacy naa-achieve when you’re alone."

Diin pa ni Alma, "Yung mga sinabi ng doctors na forever na yung sakit ko, miraculously nawala one day dahil sa intimate relationship ko sa Diyos."

Hindi lamang nagkaroon ng milagro sa kalusugan ni Alma dahil sunud-sunod din ang mga biyayang natanggap niya sa panahon ng pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawa ang TV series na ginawa ni Alma para sa GMA-7, ang False Positive at ang Lolong.

Sa mga hindi nakakaalam, kinikilala si Alma bilang mahusay na interior designer at ito ang kanyang propesyon kapag hindi siya tumatanggap ng mga acting assignment.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alma Concepcion: "Yung mga sinabi ng doctors na forever na yung sakit ko, miraculously nawala one day dahil sa intimate relationship ko sa Diyos."
PHOTO/S: @alma.concepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results