Watch Now

Ai-Ai delas Alas, itinuloy pa rin ang Pabasa ng Pasyon kahit nasa lock-in taping

by Jojo Gabinete
Apr 14, 2022
Ai-Ai delas Alas shows support to UniTeam's Bongbong Marcos, Sara Duterte
Ai-Ai delas Alas: "Ngayong Holy Week, pinigilan ko ang sarili ko na tumingin sa iba’t ibang social media platforms para makaiwas sa mga negative news at negative vibes. Iuukol ko lang ang Holy Week para sa Panginoong Diyos…"
PHOTO/S: Courtesy: Facebook Live UniTeam Bongbong-Sara

Labintatlong taon na ang nakalilipas buhat nang umpisahan ni Ai-Ai delas Alas ang pagdaraos ng Pabasa ng Pasyon tuwing Mahal na Araw dahil sa mungkahi ng isang paring kaibigan niya.

May paniniwala na kapag naumpisahan ang Pabasa ng Pasyon, hindi ito puwedeng ihinto. Kaya mula noon, ipinagpatuloy ni Ai-Ai ang kanyang panata na isang paraan ng pagsisilbi niya sa Panginoong Diyos.

Hindi naging hadlang ang lock-in taping ng Raising Mamay para ihinto ni Ai-Ai ang tradisyon nito tuwing Mahal na Araw dahil itinuloy pa rin niya ito sa pamamagitan ng virtual Pabasa ng Pasyon.

Tuwing Linggo ang rest day ng mga artista at production staff ng Raising Mamay kaya itinaon ni Ai-Ai na day-off nila ang Pabasa ng Pasyon para hindi ito makaapekto sa taping nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marian devotee, Papal Awardee, at madasalin si Ai-Ai na maraming beses nang nakaranas ng milagro sa kanyang buhay at career dahil sa malakas na pananampalataya sa Panginoong Diyos.

“Naniniwala ako na sa buhay natin, araw-araw na may nangyayari na milagro pero hindi lang masyadong napagtutuunan ng pansin ng ibang mga tao dahil busy sila sa kanilang mga trabaho.

“Saka depende rin sa ating paniniwala. Sabi nga, have faith and believe…

“Napakarami nang milagro ang nangyari sa buhay ko na talagang napatunayan ko na mula kay God," pahayag ni Ai-Ai sa Cabinet Files ngayong Huwebes Santo, April 14, 2022.

Para kay Ai-Ai, ang Semana Santa o Mahal na Araw ang nagpapaalala sa ating lahat ng mga pagsasakripisyo ni Hesus Kristo para matubos nito ang sangkatauhan mula sa mga kasalanan.

Saad niya, “Ang Semana Santa ay reminder sa atin ng mga paghihirap at pagpapapako sa krus ng ating mahal na Panginoon.

“Isa rin paggunita ang Semana Santa na nagmula tayo sa alikabok at tayo ay muling babalik sa pagiging alikabok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang Semana Santa ay sumisimbolo rin sa pagsisisi sa ating mga kasalanan dahil ibinigay ni Hesus ang kanyang buhay upang tubusin tayo.

“Ito ang panahon na paghingi ng tawad, inner reflection, pag-aayuno, at pagbibigay ng tulong sa kapwa sa mga paraan na makakaya natin.

“Ngayong Holy Week, pinigilan ko ang sarili ko na tumingin sa iba’t ibang social media platforms para makaiwas sa mga negative news at negative vibes.

"Iuukol ko lang ang Holy Week para sa Panginoong Diyos…"

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas: "Ngayong Holy Week, pinigilan ko ang sarili ko na tumingin sa iba’t ibang social media platforms para makaiwas sa mga negative news at negative vibes. Iuukol ko lang ang Holy Week para sa Panginoong Diyos…"
PHOTO/S: Courtesy: Facebook Live UniTeam Bongbong-Sara
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results