Watch Now

Tart Carlos at Raquel Pareño, puring-puri si Ai-Ai delas Alas

by Jojo Gabinete
Apr 15, 2022
tart carlos raquel pareno
Tart Carlos (left) and Raquel Pareño (right) co-star with Ai-Ai delas Alas in the upcoming Kapuso aftrenoon series Raising Mamay.
PHOTO/S: Instagram

Ang comedienne na si Tart Carlos at ang character actress na si Raquel Pareño ang dalawa sa mga cast member ng Raising Mamay na nagpatunay tungkol sa magandang ugali ni Ai-Ai delas Alas dahil matagal nilang nakasama ang Comedy Queen sa kanilang lock-in taping.

Best friend ng karakter ni Ai-Ai ang role ni Tart sa Raising Mamay.

Hindi napigilan ni Tart na mapaiyak sa digital media conference ng afternoon drama series ng GMA-7 nang magkuwento siya tungkol sa kanilang nabuong pagkakaibigan sa lock-in taping.

“Actually, marami na kaming pinagtrabahuhan ni Miss Ai.

"Nag-work kami sa Hay Bahay, kasama si Bossing Vic Sotto. Sa Bossing & Ai, nag-work din kami as co-host niya ako.

“Pero sabi ko nga kay Marekoy ko, bagamat hindi niya talaga ako best friend, ibinigay niya talaga sa akin… hala, parang iiyak ako, teka lang…

“Ibinigay niya talaga sa akin yung pakiramdam na best friend niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Totoo, kasi ngayon niya talaga naibigay sa akin yung pagkakataon,” sabi ni Tart, na tuluyan nang napaluha.

Patuloy niya, “Siguro dahil lock-in taping tapos lagi kaming masaya. Hindi namin pinababayaan na malungkot ang set.

“Malayo kami sa pamilya, dalawa’t kalahating buwan kaming magkakasama, 'tapos hahayaan pa rin namin na malungkot kaming lahat?

So, masaya kami, 'tapos pakiramdam ko talaga, mag-best friend kami. Yung mga bagay-bagay sa buhay namin, nase-share namin sa isa’t isa.

“Hindi ko ito makakalimutan kasi ibang klase.

"Nanonood talaga ako sa kanya habang umaarte kami at binibigyan ko talaga siya ng ilaw kapag nawawalan siya kasi alam ko, bubuhatin niya kaming lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang ibig sabihin ng pagbibigay niya ng ilaw kay Ai-Ai?

Paliwanag ni Tart, “Kapag nakikita ko na nasasapawan ko siya na may shadow [ko sa eksena], gusto ko siyang makita ng lahat.

"Yung pagtulo ng luha niya, kasi ako dalang-dala, how much more yung mga tao?

“As a support, inaral ko na talaga ‘yan. Pero this time, sobrang taas yung kamay ko sa kanya.

"Alam niya ‘yan, pinanonood ko siya kahit eksena na namin.

“Alam ko na siya talaga ang bida sa Raising Mamay at talagang susuportahan namin siya all the way.”

Lubos naman ang pasasalamat ni Raquel na naging bahagi siya ng Raising Mamay dahil sa maayos na pakikitungo sa kanya ni Ai-Ai.

Pahayag ng anak ng veteran actress na si Gina Pareño, “Sobrang pasasalamat ko kasi ang bait-bait ni Miss Ai sa aming lahat. Wala siyang star complex.

“Saka yung lahat ng cast mababait, production staff, mga producer, mga boss namin. Sobrang thankful ako sa project na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsisimula ang Raising Mamay sa Afternoon Prime ng GMA-7 sa April 25.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tart Carlos (left) and Raquel Pareño (right) co-star with Ai-Ai delas Alas in the upcoming Kapuso aftrenoon series Raising Mamay.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results