Watch Now

Herbert Bautista, hindi pinapasok sa UniTeam rally; pinatid nga ba ng marshal sa viral video?

by Jojo Gabinete
Apr 16, 2022
Herbert Bautista Uniteam rally
Bukod sa aberyang kanyang dinanas dahil hindi agad pinapasok sa venue ng UniTeam really sa IBP Road, Quezon City noong April 13, 2022, galit na galit din ang UniTeam senatorial candidate na si Herbert Bautista dahil pinatid diumano siya ng event marshal habang papasok sa venue.
PHOTO/S: Screen Grab from Facebook Video of SALOMO21

Sa pambihirang pagkakataon, nasaksihan ng publiko ang sobrang galit na naramdaman ng komedyante at senatorial aspirant na si Herbert Bautista.

Ito ay dahil sa aberyang dinanas niya at ng mga kasama nang hindi sila papasukin ng event marshal sa UniTeam rally na naganap noong Miyerkules, April 13, 2022, sa IBP Road, Quezon City.

UniTeam senatorial candidate ang dating alkalde ng Quezon City, na naglingkod mula 2010 hanggang 2019, pero ayaw siyang papasukin ng marshal dahil wala raw suot na bracelet pass si Herbert at ang mga kasama nito.

Nakunan ng mga cellphone at video cameras ang buong pangyayari, mula sa pagdating niya hanggang sa pakikipag-usap ni Herbert sa event marshals.

Herbert Bautista at UniTeam Rally
Video: Yabagiz Vlogs (video), Rommel Llanes (edit).

Malinaw na mapapanood at maririnig sa video ang pagtatanong kay Herbert ng isang marshal ng, "Sino po ang contact person ninyo?"

Herbert Bautista UniTeam Rally

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumalikod si Herbert, sabay sabing, “Sige, hindi na ako magra-rally dahil sa iyo."

Seryoso ang tono ni Herbert, na sinabihan ang kasama ng, “Kunin mo ang pangalan niyan. Hindi ako magra-rally dahil sa iyo. Pati mga kasama ko, hindi mo pinapapasok."

Maririnig na nag-sorry at nagpaliwanag ang marshal.

Sagot ni Herbert, "Huwag kang mag-sorry sa akin, mag-sorry ka sa kanila.

"Ano ang pangalan mo? Ibigay mo sa akin ang pangalan mo.

"Ako si Herbert Bautista… anong pangalan mo?"

Hinahanapan sila ng marshal ng bracelet pass, kahit may mga suot silang ID para sa lahat ng events ng UniTeam.

Sabi pa ni Herbert, “Bigyan mo ako, papasok ako. May maibibigay ka ba sa akin [na bracelet pass]? One, two, three, four, apat kami."

Herbert Bautista UniTeam rally

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi gaanong marinig ang naging pag-uusap nila, pero mahihinuhang sinabihan ang marshal na kumuha ng passes, saka pumuwesto si Herbert sa entrance, "Ako munang magbabantay rito."

Herbert Bautista UniTeam rally

Herbert Bautista UniTeam rally

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong ni Herbert, "Bawal pumasok pag walang pass."

At that time, isa pang marshal ang pumalit para bantayan ang entrance.

Herbert Bautista UniTeam rally

Makalipas ang ilang segundo, bumalik ang unang marshal na nakapalitan ng salita ni Herbert kasama ang isang lalakeng nakasuot ng Quezon City mayoral candidate Mike Defensor T-shirt at may dalang bracelet passes na iniabot kay Herbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Herbert Bautista UniTeam rally

Pagkatapos nito ay pinapasok na si Herbert at ang mga kasama nito.

Maririnig si Herbert na kinukuha ang mga pangalan ng dalawang marshal.

Ang pangalawang marshal naman ay mariringgang nagsabi ng, "Yung contact person niyo po ang magbibigay ng pass." Humingi rin siya ng paumanhin, "Pasensiya na kayo, ha."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Herbert Bautista UniTeam rally

Pero mas matinding eksena ang nangyari.

Napatid ang senatorial candidate noong saktong katapat niya ang pangalawang marshal, na noon ay abala sa pag-check ng passes ng kasama ni Herbert.

Herbert Bautista UniTeam rally

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pinatid mo ako? Naramdaman kong pinatid mo ako. Bastos ka!! Pinatid mo ako!" mataas ang boses na sabi ni Herbert na nabigla sa kanyang pagkakatisod.

Habang inaawat si Herbert, tinanong niya nang paulit-ulit ang marshal, "Bakit mo ako pinatid? Bakit mo ako pinatid? Pinatid ako, e.”

Herbert Bautista UniTeam rally

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinatid ako, nakita niyo ba?” ang tanong ni Herbert sa mga taong nakasaksi sa nangyari.

Tinangka niyang lapitan ang marshal, pero inawat siya ng mga nakapaligid sa kanya, pati na ang mga pulis na lumapit sa kanila.

Viral na ang video ng insidente.

Dapat na maging maingat at mapanuri ang mga manonood ng video para hindi sila maging biktima ng fake news.

Bagamat galit na galit si Herbert dahil sa kanyang paniniwalang pinatid siya ng marshal, ang makikita sa video ay abala sa pagtsi-check ng pass ang marshal nung saktong dumaan sa tapat niya ang dating alkalde.

Hindi makikita sa video kung paa ba ng marshal o ibang bagay ang pumatid kay Herbert.

Postscript: Nakipag-ugnayan na ang Cabinet Files sa kampo ni Herbert para alamin kung may gagawin siyang aksyon laban sa marshal na pinaniniwalaan niyang pumatid sa kanya. Sa kasalukuyan, hinihintay pa namin ang kanyang opisyal na pahayag tungkol sa video na ito na kalat na sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas rin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng mga marshals.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa aberyang kanyang dinanas dahil hindi agad pinapasok sa venue ng UniTeam really sa IBP Road, Quezon City noong April 13, 2022, galit na galit din ang UniTeam senatorial candidate na si Herbert Bautista dahil pinatid diumano siya ng event marshal habang papasok sa venue.
PHOTO/S: Screen Grab from Facebook Video of SALOMO21
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results