Watch Now

Alma Concepcion, suportado ang pagsali ni Herlene Budol sa Bb. Pilipinas 2022

by Jojo Gabinete
Apr 16, 2022
Herlene Budol
Alma Concepcion
Alma Concepcion (kanan) on her False Positive co-star Herlene Budol (kaliwa), na kabilang sa mga kandidata para sa Bb. Pilipinas 2022: “Malakas ang laban ni Herlene kasi gifted siya. Matangkad, makinis, napakaganda ng kanyang katawan at sanay na siya sa pagrampa." Photo credit: @herlene_budol / @alma.concepcion Instagram

Suportado ni Alma Concepcion ang pagsali ni Herlene Budol sa Bb. Pilipinas 2022 at naniniwala siyang malaki ang laban ng comedienne na binansagang "Hipon Girl."

17 anyos si Alma nang manalo siya bilang Bb. Pilipinas-International sa 31st edition ng Bb. Pilipinas noong October 31, 1993.

Si Alma ang official representative ng Pilipinas sa 34th Miss International na idinaos sa Mie, Japan noong September 4, 1994.

Pinalad si Alma na makabilang sa Top 15 candidates at siya ang tinanghal na Miss Friendship sa international beauty pageant na kanyang sinalihan.

“Masyado akong bata nung sumali ako sa Bb. Pilipinas, 17 lang ako.

“Minsan iniisip ko ano kaya ang dapat mangyari if mga 20s na ako sumali?

“Pero no regrets dahil happy naman ako sa nangyari sa Miss International. I am very content sa mga plano para sa akin ng Nasa Itaas,” ang sabi ni Alma sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkasama sina Alma at Herlene sa False Positive, ang romance drama comedy series ng GMA-7 na mapapanood sa May 2022.

Bilang dating beauty queen, nakikita ni Alma ang mga katangiang taglay ni Herlene para matupad ang pangarap nito na maging titleholder sa Bb. Pilipinas 2022.

“Nagkakakuwentuhan kami ni Herlene sa taping ng False Positive. Sinabi ko sa kanya na winner na ang height at body niya. Siyempre, pang-winner din ang kanyang face.

“Basta isapuso lang niya ang mga training at mag-overprepare siya dahil over is better than under.

“Malakas ang laban ni Herlene kasi gifted siya. Matangkad, makinis, napakaganda ng kanyang katawan at sanay na siya sa pagrampa.

“Napakaganda ng bone structure niya from head to toe,” ang mga pahayag ni Alma tungkol kay Herlene.

Ikinatuwa ni Alma ang pagsali ni Herlene sa Bb. Pilipinas dahil bukod sa physical beauty, gustung-gusto niya ang ugali ng kanyang co-star sa False Positive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masaya ako nang malaman ko na kasama siya sa False Positive dahil natutuwa ako sa kanya before ko pa siya na-meet nang personal.

“Mas gumanda pa ang impression ko sa kanya dahil sobrang naturally funny siya at nakakatuwa ang energy niya. She lights up any room! Her energy is contagious! Masaya siyang kasama!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alma Concepcion (kanan) on her False Positive co-star Herlene Budol (kaliwa), na kabilang sa mga kandidata para sa Bb. Pilipinas 2022: “Malakas ang laban ni Herlene kasi gifted siya. Matangkad, makinis, napakaganda ng kanyang katawan at sanay na siya sa pagrampa." Photo credit: @herlene_budol / @alma.concepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results