Watch Now

Raffy Romillo, ipinagpasa-Diyos ang laban sa kanyang brain tumor

by Jojo Gabinete
Apr 17, 2022
Raffy Romillo
Raffy Romillo, patuloy ang pananampalataya sa Diyos sa gitna ng hinaharap niyang pagsubok. Na-diagnose siyang may brain tumor nitong nakaraang Enero.
PHOTO/S: courtesy of Raffy Romillo

Nagkaroon ng near-death experience noong October 19, 2004 ang former actor na si Raffy Romillo.

Raffy Romillo

Nakuryente ito dahil sumabit sa high-tension wire ang sinungkit niyang susi ng kanyang unit gamit ang floor mop. Nakatira ang aktor sa isang condominium sa Makati City.

Isang himala na nakaligtas si Raffy na limang linggo na labas-pasok sa ICU at CCU ng ospital na pinagdalhan sa kanya dahil 14,000 volts ang kuryente na pumasok sa katawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“When I was electrocuted,I actually died already but miraculously, I survived it with 40% of 3rd degree burns, hitting my body with 14 thousand volts but no vital organs were directly affected by the said accident,” ang pagbabalik-tanaw ni Raffy sa freak accident na nagbigay sa kanya ng depression sa loob ng tatlong taon dahil nagsimula siya na ikumpara ang sarili sa ibang mga tao.

Nag-umpisa ang showbiz career ni Raffy sa edad na 17 noong 1985 sa television show na KATS, kasama sina Julio Diaz at ang dating aktor na si Lito Gruet.

Naging miyembro rin si Raffy ng That’s Entertainment at contract star ng Regal Films pero noong 1991, nagpunta siya sa Amerika para bisitahin ang kanyang mga kamag-anak na nakaapekto nang malaki sa showbiz career niya.

“In 1991, I asked permission from my manager June Rufino if I can just visit my relatives in the US and will just stay there for a month since my movie and TV assignments were planned.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She allowed me but I disappointed her big time as I failed to come back home because I stayed in the US for nine months,” ani Raffy na labimpitong taon na pabalik-balik noon sa Amerika at tumatanggap lamang ng mga guesting sa mga television drama series kapag umuuwi siya sa Pilipinas.

Noong 2008, isinadula ng Magpakailanman ng GMA-7 ang kuwento ng buhay ni Raffy at ang freak accident na nangyari sa kanya noong October 2004 na naging daan para maging aktibo uli siya sa pag-arte.

“I’m back on my feet then and I even made less than ten soap operas with GMA-7 but in 2015, I decided to totally stop as I was not happy anymore because of some negative experiences I had in one show,” ang patuloy na pagsasalaysay ni Raffy na pinili na magtrabaho sa isang call center company at hindi nagtagal, sa online business na nakapagpapasaya ngayon sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero muling nagkaroon si Raffy ng pagsubok sa kalusugan dahil noong January 2022, natuklasan na may brain tumor siya nang sumailalim sa general check up para sa kanyang gall bladder surgery.

Raffy Romillo brain scan

“2022 has not been good to me health wise. I have been admitted to the hospital three times and there might be another one, depending on the results of my brain tumor tests. I will find out in two weeks and hopefully nothing worse,” ang umaasang pahayag ni Raffy sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files ngayong Easter Sunday, April 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My brain tumor was found in January when I had a general check-up, along with gallbladder stones and some polyps in my stomach. Those were removed except for the tumor.

“There was never a symptom until I had my blood tested. I pray that I would have to take medicine instead of undergoing an operation.”

Ang mga nangyayari ngayon sa kanyang katawan at kalusugan ang lalong nagpatatag sa malakas na pananampalataya ni Raffy sa Panginoong Diyos. Muling napatunayan ni Raffy na tanging ang Diyos lamang ang makakapitan sa lahat ng panahon at base ito sa kanyang mga personal na karanasan.

“These series of drama in my life have made me realize that there is only one God that I can cling on.

“My faith in Him was awakened since I joined Oasis of Love [isang Catholic religious community].

“He has saved me countless times. I can only praise Him for always giving me a chance to live longer. It is indeed a miracle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I have my personal relationship with Him right now and I haven't forgotten to talk to Him before I go to sleep, thanking Him for the good day and asking forgiveness for my sins.

“I believe that if you really carry Him in your heart, we will surpass all the trials in life and feel no guilt anymore,” madamdamin niyang pahayag.

Read Next
Read More Stories About
Raffy Romillo, brain tumor
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raffy Romillo, patuloy ang pananampalataya sa Diyos sa gitna ng hinaharap niyang pagsubok. Na-diagnose siyang may brain tumor nitong nakaraang Enero.
PHOTO/S: courtesy of Raffy Romillo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results