Watch Now

Moreno: "Withdraw Leni"; Lacson doubts "50 percent of Filipinos are Marcos loyalists"

by Jojo Gabinete
Apr 17, 2022
Isko Moreno, Panfilo Lacson, Norberto Gonzales
(L-R) Isko Moreno, Norberto Gonzales, Ping Lacson, and Manny Pacquiao (not in photo) issue a joint statement firmly stating that they are not backing out of the presidential race.
PHOTO/S: Isko Moreno on Facebook

Si Manila City Mayor Isko Moreno ang nagbasa ng opisyal na pahayag ng mga presidential candidates tungkol sa hindi nila pag-atras sa halalan na magaganap sa May 9, 2022.

Ang joint official statement ay nilagdaan nina Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, at former Secretary of Defense Norberto Gonzales.

Nagpatawag sila ng isang press conference na naganap ngayong Linggo, April 17, sa Rigodon Ballroom ng The Peninsula Manila sa Makati City.

"Higit pa man sa resulta ng isang halalan, mas pinaiiral natin dapat ang kalayaan ng ating taumbayan na pumili ng kanilang mga magiging lider. Nais naming makadaupang-palad ang ating mga kababayan alinsunod sa kagustuhan nilang mas lalo pa kaming makilala bilang mga kandidato.

"Sa halip na kami ay malayo sa kanila sa pamamagitan ng prosesong pang-elektoral, magkaroon ng pagkakaisa tungo sa isang pagnanais kung ano ang kakahinatnan ng ating bansa.

"Kasama kami sa kagustuhan ng ating mga kababayan na magkaroon ng isang diwa ng pagsasama-sama na mananaig sa umiiral na bangayan at personal na misyon upang yakapin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng lahat na hindi lamang mga kataga o bukambibig pampulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kami ngayon ay nangangako, una, maninilbihan sa pamahalaan na kung sinuman ang mapipili sa amin ng ating taumbayan na magiging susunod na pangulo.

"At kami, pangalawa, ay magsasanib-puwersa upang labanan ang anumang pagtatangka na baluktutin ang totoong pagpapasya ng taumbayan sa pamamagitan ng mga paggalaw na hindi kanais-nais o hindi kaya maglilimita sa malayang pagpili ng ating mga kababayan.

"Higit sa lahat, hinding-hindi kami magbibitiw sa kampanya. Ang bawat isa sa amin ay magpapatuloy sa aming mga sariling kandidatura upang maging karapat-dapat na pagpilian ng sambayanang Pilipino,” ang kabuuan ng opisyal na pahayag ng apat na presidential aspirants sa press conference, na dinaluhan din nina vice-presidential aspirants Senator Tito Sotto at Dr. Willie Ong.

ISKO: WITHDRAW LENI

Pinag-uusapan ang naganap na joint mediacon ng mga presidential aspirants dahil sa mga salitang binitiwan ni Moreno tungkol sa kanilang katunggali sa pagkapangulo, si Vice-President Leni Robredo.

Aniya, "If they’re calling for supreme sacrifice, di ba, they’re calling for supreme sacrifice? Katulad nang sinasabi ni Secretary Norberto Gonzales, when somebody talked to him?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, di ang pinaka-supreme sacrifice, if you’re not a good player to win, then you pay the supreme sacrifice, you withdraw.

"The same challenge that they’re giving us, to Senator Ping, to Secretary Norberto Gonzales, to Senator Pacquiao, now we’re calling, 'Be a hero, withdraw Leni,'" ang hamon ni Moreno.

Bago naganap ang presscon na ito, sinabi ni Lacson na may nanghimok sa kanya— mula raw sa kampo ni Leni—na iatras na ang kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo.

Pero dinenay ito ng spokesperson ni Leni na si Barry Gutierrez noong April 11.

"I do not know who talked to Senator Lacson, I do not know the details of the supposed offer, but it certainly did not come from our campaign."

LACSON ON NUMBER OF MARCOS LOYALIST

Samantala, may pahayag naman si Senator Lacson tungkol sa presidential candidate na si Bongbong Marcos o BBM.

Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng iba na marami pa ring tagasuporta ang dating diktador na si Fernando Marcos, ama ni BBM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Lacson, "Just to add credence to Mayor Isko and Secretary Gonzales’ statement kanina, I cannot believe for the love of me that there are more than fifty percent loyalists in this country, Marcos loyalists for that matter.

"Para lang sabihin natin na this presscon is also about Bongbong Marcos. I am yet to be convinced, I just cannot figure out na more than fifty percent of Filipinos are Marcos loyalists?

"I don’t know about you, but that’s me. That’s my opinion kasi nandiyan pa rin yung sakit ng martial law, di ba, and we often hear from our people especially yung hindi pa nako-compensate.

"Sinabi ko lang ito because nag-occur sa akin, ako yung sponsor ng budget ng Commission on Human Rights including yung compensation for the human rights victims.

"Hindi pa naman lahat nako-compensate so yun lang. Naisip ko lang because I heard from them na at least fifty percent, more than fifty percent of Filipinos, are still Marcos loyalists? I don’t believe so.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Baka nga tama yung sinasabi nila na yung negative attitude towards the vice-president, dun napupunta because yung psyche ng Pilipino, lagi sa llamado, di ba?

“Because dalawa lang yung parang napag-uusapan, naiitsapuwera yung ibang choices,yung ibang options."

Sa huli, pinaalala ng senador na may iba pang kandidato bukod kina Leni at BBM.

"And that is also one of the main reasons why we’re here. To remind our people that there are other candidates running—equally qualified, equally competent if not more competent, if not more qualified…"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Isko Moreno, Norberto Gonzales, Ping Lacson, and Manny Pacquiao (not in photo) issue a joint statement firmly stating that they are not backing out of the presidential race.
PHOTO/S: Isko Moreno on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results