Watch Now

McCoy de Leon at Elisse Joson, may investments na para sa kinabukasan ng kanilang pamilya

by Jojo Gabinete
Apr 18, 2022
elisse joson mccoy de leon
Elisse Joson: "Dapat meron kaming back-up plan. Palagi naming pinag-uusapan ang investments, starting a business. Yung current business, dadagdagan, kasi nga alam namin, even if we are both actors at nandito kami sa showbiz industry, hindi naman laging magkakaroon ng opportunities."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Sa edad na 25, dalawang building ang naipundar ni McCoy de Leon mula sa kanyang mga kinita bilang artista.

Pero mas tumindi ang pagiging responsable niya ngayong 27 years old na siya at may anak na sila ng kanyang live-in partner na si Elisse Joson, 26.

Tanggap nina McCoy at Elisse na tulad ng pamagat ng kanilang pelikula, Habangbuhay, hindi pang-habangbuhay ang pagiging artista kaya ito ang nagbibigay ng stress sa aktor.

Read: McLisse: The Love Story of Elisse Joson and McCoy de Leon

“'Yan ang ikinaka-stress ni McCoy. Laging kailangan mag-isip pa ng ibang mga gagawin para for safety din namin as a family.

“Dapat meron kaming back-up plan. Palagi naming pinag-uusapan ang investments, starting a business,” rebelasyon ni Elisse tungkol sa isang bagay na nagbibigay ng stress sa ama ng kanyang anak.

“Yung current business, dadagdagan, kasi nga alam namin, even if we are both actors at nandito kami sa showbiz industry, hindi naman laging magkakaroon ng opportunities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, habang may time na wala, at least, we have something to do. Yun nga, ang business namin, jewelries and investments sa properties.”

Ipinagpapasalamat naman ni McCoy ang kanyang mga natutunan niya mula sa magulang niya na nagturo sa kanya para maging masinop sa pera.

Bukod sa mga ari-ariang kanyang naipundar at sa jewelry business nila ni Elisse, itinuturing ni McCoy na investments ang kanilang pamilya at mga tagahanga nila.

Saad ng aktor, “Lagi kong sinasabi, yung mga natutunan namin mula sa mga magulang namin.

“Ngayon, nag-iipon kami at lalo ngayong pandemic, yung mga natutunan namin sa parents namin, ina-apply namin.

“Awa ng Diyos, sobrang nakakatuwa. Thankful kami, like ito, meron po kaming trabaho.

“Meron pa rin mga naniniwala sa amin, fans namin na nandiyan din para sa amin at sa mga pamilya namin.

“Yung mga bagay na yun, for us, investments din. Nakakatuwang isipin na meron kaming ganoon.

"Ang money, mawawala ‘yan, pero hangga’t maaari, kung kaya na makapag-ipon, nag-iipon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmalaki rin ni McCoy na walang masyadong nagbago sa kanyang lifestyle buhat nang magkaroon ng anak dahil ang trabaho at ang pamilya ang priorities niya noong binata pa siya.

“For me, wala naman ako halos na-give up kasi inihanda ko na ang buhay ko na gusto ko.

"Masaya ako na may napapasaya akong mga tao na mahal ko, which is my family.

“Kaya ngayon, may family ako na sarili ko talaga. Sabi ko nga kay Elisse at saka kay Felize, 'Priority ko kayo.'

“Yung mga ginagawa ko noon, mag-work or family. May konting hirit lang na pang-sarili pero priority ko yung family.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elisse Joson: "Dapat meron kaming back-up plan. Palagi naming pinag-uusapan ang investments, starting a business. Yung current business, dadagdagan, kasi nga alam namin, even if we are both actors at nandito kami sa showbiz industry, hindi naman laging magkakaroon ng opportunities."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results