Watch Now

AJ Raval, titigil na sa pagpapaseksi kaya umatras sa Scorpio Nights 3?

by Jojo Gabinete
Apr 18, 2022
aj raval sexy
AJ Raval: "Ang showbiz po, kung para sa akin naman po, puwede pa po akong bumalik. Hindi po mawawala sa akin. Pero yung pag-aaral, lumilipas po kasi yung panahon ko, e."
PHOTO/S: Vivamax

Hindi na matutuloy ang pagbibida ni AJ Raval sa Scorpio Nights dahil nagkaroon na ng conflict sa plano niyang mag-aral sa darating na school opening.

Ito ang kanyang kinumpirma sa digital media conference ng Kaliwaan na naganap ngayong Lunes ng gabi, April 18, 2022.

Read: Christine Bermas, pinalitan si AJ Raval sa Scorpio Nights 3; AJ, bakit tinanggihan ang pelikula?

Pahayag ni AJ, “Yung Scorpio Nights, kung nagawa po siya ng earlier like this month, April, siguro sa akin pa rin po siya.

“Magagawa ko pa rin siya, pero parang may goal ako this year. Like, kunwari po, June po, pasukan. Plan ko po is mag-enroll ako this year.

"Parang magla-lie low mo muna ako sa pagpapaseksi. Mag-aaral din muna po ako."

Dagdag niya, “Grateful po ako na para sa akin ang Scorpio Nights kasi nag-i-start pa lang ako sa Viva, yun na rin po ang pinag-uusapan, Scorpio Nights.

“Malungkot din po ako na isa po yung Scorpio Nights sa pagsa-sacrifice ko dahil may plans ako this year katulad po ng pag-aaral ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw ni AJ na magpapaseksi pa rin siya sa mga pelikula, pero gusto niyang magkaroon ng katuturan ang paghuhubad sa harap ng kamera at matupad ang pangarap maging action star tulad ng kanyang ama na si Jeric Raval.

Saad niya, “Nagbabawas na rin po ako sa pagpapaseksi. Napag-usapan na rin po namin ito ng manager ko, ng Viva actually.

“Gusto ko po talaga mag-action. Gusto ko rin po na makuha yung dream ko na mag-action.”

Ano ang college course na napili mo at saan school mo balak mag-aral?

“Ayoko po munang i-public kung saan po ako mag-aaral at saka yung course na pag-aaralan ko po this year, pero mag-aaral po ako ngayon," sagot ni AJ.

“Ang showbiz po, kung para sa akin naman po, puwede pa po akong bumalik. Hindi po mawawala sa akin.

"Pero yung pag-aaral, lumilipas po kasi yung panahon ko, e. Habang bata pa po ako, habang may chance pa po ako na ituloy ang pag-aaral ko, which is gusto ko naman po at gusto ng parents ko and family, itutuloy ko yung pag-aaral ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, kung hindi po talaga para sa akin ang pag-aaral, malalaman ko rin naman po yun, babalik po ako sa showbiz.

"Hindi rin naman po ako mawawala sa showbiz, kaya din naman po pagsabayin. Parang bawas-bawas lang po ng work."

Tiniyak ni AJ na hindi ang Kaliwaan ang huling sexy movie niya.

“Magpapaseksi pa rin ako, pero for now, parang magpapahinga din muna ako sa pagpapaseksi.

"Gusto ko rin po na magpaganda ng katawan. Gusto ko mag-work out para lalo akong maging mas confident sa pagpapaseksi."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval: "Ang showbiz po, kung para sa akin naman po, puwede pa po akong bumalik. Hindi po mawawala sa akin. Pero yung pag-aaral, lumilipas po kasi yung panahon ko, e."
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results