Watch Now

Lyca Gairanod, hudyat ng pagdadalaga ang sexy bikini photos

by Jojo Gabinete
Apr 20, 2022
Lyca Gairanod
The Voice Kids Philippines Season 1 champion Lyca Gairanod, ikinatuwa ang suporta ng netizens sa ipinost niyang bikini photos sa Instagram: "Siguro po yung mga cute comment na sinasabi nila na iba raw po ako dati. Malaki na raw po ang ipinagbago ko."
PHOTO/S: @lycagairanod.1 Instagram

Seventeen years old na ang The Voice Kids Season 1 champion na si Lyca Gairanod, pero bata pa rin ang tingin sa kanya ng ibang mga tao.

Read: Lyca Gairanod proudly shows childhood home in Tanza, Cavite

Kaya nagulat sila nang husto dahil sa sexy photos na inilabas niya, at hinangaan nila ang makatawag-pansing hubog ng katawan ng dating child star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa exclusive interview ng Cabinet Files, sinabi ni Lyca na walang nag-udyok para magpaseksi siya sa pictorial.

Kusa niya itong ginawa bilang hudyat ng kanyang ganap na pagdadalaga.

"For me po, walang nag-udyok. Gusto ko lang po na i-try and I think comfy naman po ako sa ganoon," sabi ni Lyca.

Ano ang mga komento na natanggap mo dahil sa sexy pictorial mo?

Sagot ng dalaga, "Siguro po yung mga cute comment na sinasabi nila na iba raw po ako dati. Malaki na raw po ang ipinagbago ko.

"Sobrang na-appreciate ko po dahil nagugustuhan po nila yung mga ipinu-post ko [na pictures]."

Lyca Gairanod

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lyca Gairanod, isinasakripisyo ang sariling kagustuhan dahil sa pagmamahal sa pamilya?

NO SPECIAL DIET

Para sa mga nagtatanong tungkol sa sikreto ni Lyca sa pagkakaroon ng magandang hugis ng katawan, "wala" raw siyang anumang diet o workout.

Malakas pa nga raw siyang kumain. Nagkataon lang daw talaga na slim siya.

Idinagdag pa ni Lyca na hindi malaking isyu sa kanyang pamilya ang kanyang sexy photos.

Aniya, "Hindi po bago yun sa kanila. Sanay na po sila dahil dati na nila akong nakikita na ganoon ang suot [two-piece swimsuit]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT YET READY FOR MATURE ROLES

Kung sakali, handa ba siyang sumabak sa paggawa ng mature roles?

Sagot ni Lyca, "Hindi pa rin po ako ready na tumanggap ng mature o daring roles because I’m still a minor.

"And darating din po tayo doon, pero not now."

Ipinangako ni Lyca sa mga tagahanga nitong pagbubutihin pa niya ang mga ginagawa tulad ng pagkanta.

"Mas gagalingan ko pa po at mas ibibigay ko yung best ko sa mga tao.

"Thank you so much to the all people, sa sobrang pagmamahal at support sa akin especially sa fans ko na hindi sumuko at hindi nawawala ang supporta sa akin."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Voice Kids Philippines Season 1 champion Lyca Gairanod, ikinatuwa ang suporta ng netizens sa ipinost niyang bikini photos sa Instagram: "Siguro po yung mga cute comment na sinasabi nila na iba raw po ako dati. Malaki na raw po ang ipinagbago ko."
PHOTO/S: @lycagairanod.1 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results