Watch Now

Ayanna Misola, bida sa remake ng Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili ni Dina Bonnevie

by Jojo Gabinete
Apr 21, 2022
ayanna misola ang babaeng nawawala sa sarili
Ayon kay Ayanna Misola, 11 years pa lang noon ang kanyang ina nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili, na pinagbidahan ni Dina Bonnevie, noong 1989.

Makalipas ang 33 taon, magkakaroon ng bagong bersiyon ang Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, ang hit movie noong 1989 na pinagbidahan ni Dina Bonnevie at mula sa direksiyon ng namayapang actor-director na si Eddie Rodriguez.

Ang newcomer sexy star na si Ayanna Misola ang napili ng Viva Films bilang lead actress ng 2022 version ng Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, na proyekto ng direktor na si Roman Perez Jr.

Naging palasak o popular noon ang pamagat ng pelikula ni Dina dahil babaeng nawawala sa sarili ang tawag sa mga kababaihang nagluluka-lukahan o hindi makontrol ang mga sarili sa paggawa ng kalokohan.

Isang sikat na nobela at sinusubaybayan noon sa Hiwaga komiks ang Ang Babaeng Nawawala sa Sarili.

Tungkol ito sa isang konserbatibo at mahinhing babae na sinapian ng masamang espiritu kaya naging sexually promiscuous at inaakit ang lahat ng mga kalalakihang nakikilala niya.

Tuwang-tuwa si Ayanna nang malaman nitong siya ang magbibida sa Ang Babaeng Nawawala sa Sarili dahil isa si Dina Bonnevie sa mga aktres na kanyang hinahangaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang saya ko po!” sabi ni Ayanna nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Miyerkules ng gabi, April 20, 2022.

“Bukod sa remake, privilege po para sa akin na magbida sa pelikula dahil matagal ko na pong idol si Miss Dina, childhood days pa lang.”

Read: Ayanna Misola, tanggap ng pamilya ang paghuhubad niya sa pelikula

January 13, 2002 nang isilang si Ayanna kaya hindi pa siya ipinanganganak, at lalong hindi pa magkakilala o nagtatagpo ang mga magiging ama at ina niya nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula ni Dina noong October 4, 1989.

Excited ang baguhang sexy star sa project na ipinagkatiwala sa kanya.

Sabi ni Ayanna, “Eleven years old pa lang po ang mama ko noong 1989 dahil 1978 siya nang ipinanganak.

“Hindi ko pa po alam kung sino ang mga co-star ko pero pinaghahandaan ko na ang shooting namin na magsisimula sa second week ng May.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon po, pinipilit kong maging laman ng gym dahil gusto kong mag-improve physically. May acting workshops din po ako dahil sobrang gusto ko ang role ko.

“Super challenging siya for me. Super excited na rin ako. Mixed emotions po talaga ang nararamdaman ko,” masayang-masayang sabi ni Ayanna, na nangangarap makilala nang personal si Dina, ang original star ng Ang Babaeng Nawawala sa Sarili.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Ayanna Misola, 11 years pa lang noon ang kanyang ina nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili, na pinagbidahan ni Dina Bonnevie, noong 1989.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results