Watch Now

Ina ni Blue Cailles na super fan ni Dingdong Dantes, pumanaw na

by Jojo Gabinete
Apr 21, 2022
blue cailles dingdong dantes
Napaluha ang newcomer na si Blue Cailles (kaliwa) nang dumating ang bulaklak na ipinadala ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa burol ng kanyang ina. Ang yumaong ina ni Blue na si Kristine Cailles ay masugid na tagahanga ni Dingdong.
PHOTO/S: Blue Cailles

Nagulat at napaiyak ang young actor na si Blue Cailles nang dumating sa burol ng kanyang ina sa Loyola Memorial Chapels sa Makati City ngayong gabi, April 21, 2022, ang mga bulaklak ng pakikiramay mula sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Napaluha si Blue dahil hindi nito inaasahan ang pagpapahalaga na ibinigay ni Dingdong sa nanay niyang si Kristine Joan Bonoso-Cailles.

Sumakabilang-buhay ang ina ni Blue dahil sa multiple organ failure kahapon, April 20, sa edad na 47.

blue cailles

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Blue Cailles and his late mother, Kristine

Masugid na tagahanga ni Dingdong ang nanay ni Blue, at nalaman ito ng actor-host nang maglaro ang young actor para sa kanyang game show na Family Feud.

Sinamantala ni Blue ang pagkakataon dahil humingi siya kay Dingdong ng video greetings para sa nanay niya.

“Iñaki” ang pet name ni Kristine kay Blue dahil iyon ang pangalan ng karakter ni Dingdong sa T.G.I.S., ang popular youth-oriented television show ng GMA-7 at Viva Television noong August 1995 hanggang November 1999.

Read: Newcomer Blue Cailles, ipinangalan sa karakter ni Dingdong Dantes sa T.G.I.S.

Sinabi ni Dingdong sa video greeting niya para kay Kristine na “I really love that name, very, very close to my heart, special character, kasi yun ang unang-unang ginawa ko [na TV series] dito sa GMA-7.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Araw-araw na pinapanood ni Kristine ang Family Feud dahil kay Dingdong, at ang magkita sila nang personal ang kanyang pangarap. Pero hindi na ito matutupad dahil binawian na siya ng buhay.

Nalaman ni Dingdong ang nangyari sa ina ni Blue dahil tinawagan ito ng staff ng Family Feud para ipaalam ang airing ng guesting ng young actor sa nabanggit na programa sa Lunes, April 25.

Hinihintay ni Kristine na mapanood sa telebisyon ang guesting ng kanyang anak sa Family Feud, pero namatay siya sa kasamaang palad.

Lalong naramdaman ni Blue ang importansiyang ibinigay ni Dingdong sa nanay niya nang mag-post ang young actor sa Facebook ng kanyang pasasalamat.

Mensahe ni Blue: “Kuya Dingdong Dantes and Ate Marian Rivera, mula noon po hanggang sa huling sandali ni Mommy, pinasaya niyo po siya.

"Alam ko po kung nasaan man s’ya ngayon, kilig na kilig po siya. Salamat po.”

Mabilis naman itong sinagot ni Dingdong ng “Condolences Inyaki. Please know that our family is praying for you and your loved ones.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaburol ang cremated remains ng ina ni Blue sa Cherubim Chapel ng Loyola Memorial Chapels.

Mula 9 a.m. hanggang 11 p.m. ang viewing schedule, at nakatakda ang libing ng yumao sa Sabado, April 23, 2022.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napaluha ang newcomer na si Blue Cailles (kaliwa) nang dumating ang bulaklak na ipinadala ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa burol ng kanyang ina. Ang yumaong ina ni Blue na si Kristine Cailles ay masugid na tagahanga ni Dingdong.
PHOTO/S: Blue Cailles
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results