Personal na sinundo ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis "Chavit" Singson at ng kanyang anak na si Architect Richelle Singson-Michael sa India si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu.
Ginamit ni Singson sa pagsundo kay Harnaaz sa New Delhi ang kanyang 12-seater private plane, ang Air Beauty One.
Watch: Arrival of Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu
Ang dahilan ng pagbisita at ilang araw na pananatili ni Harnaaz sa Pilipinas ay special guest siya sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 na magaganap sa Mall of Asia Arena sa April 30, 2022.
Read: Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, dadalo sa Miss Universe PH 2022 coronation night
Kinumpirma ni Harnaaz ang pagdalaw niya sa ating bansa sa pamamagitan ng kanyang Instagram post na may caption na “Countdown begins, Philippines see you soon. Humanda ka Pilipinas.”
Ikinuwento naman ni Singson na nag-diet siya para lumiit ang kanyang tiyan nang pumayag siyang sunduin sa India si Harnaaz.
Sabi ng pulitiko, “Minsan kasi hindi natin namamalayan, kain tayo nang kain, lumalaki ang tiyan. So, nagawan ko ng paraan nung nag-oo na ako na susunduin ko si Miss Universe.
“Nagpaliit na ako ng tiyan. Nakakahiya naman na magpa-picture sa kanya na may tiyan… wala nang tiyan.
"Hindi na nakakahiyang humarap ako sa kanya, Miss Universe.
"Ginawa ko ito noong ako ang mag-sponsor ng Miss Universe [2016] so gagawin ko uli ngayon siyempre maliit ang tiyan.”
Sa kanyang Facebook post ngayong umaga, ibinalita ni Architect Singson-Michael na pabalik na sila ng tatay niya sa Pilipinas, kasama si Harnaaz at ang mga tauhan ng Miss Universe Organization.
“Now enroute to Manila- flying Queen Harnaaz Sandhu with Air Beauty One.
“Just few more hours ‘til our reigning Miss Universe graces our country with her presence. Join me everyone in giving her our most affectionate welcome and cheers. Can’t wait to show her our warmest smiles and hearts,” sabi ni Singson-Michael tungkol sa pagdating ni Harnaaz sa ating bansa ngayong Linggo, April 24.
Isa lamang si Harnaaz sa mga Miss Universe winner na mapapanood sa final night ng Miss Universe Philippines 2022 sa April 30.
Mga host ng programa sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, at Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel-Peters Tebow.